Silipin Ang Mabilisan Ngunit Masayang Bakasyon Sa Batangas Nina Kathryn Bernardo At Daniel Padilla

Dahil sa pagkakaroon ng krisis, ay marami sa mga kababayan natin ngayon at maging sa mga popular na mga artista ang mahilig na rin sa vlogging.



Kabilang na nga sa mga ito, ay ang hinahangaan ng marami ngayon na si Kathryn Bernardo, kung saan dahil sa pagsasara ng kinabibilangan niyang TV Network na ABS-CBN ay pinasok na rin ng aktres ang mundo ng vlogging.
Image Credit via YouTube
Gumawa si Kathryn Bernardo ng kanyang sariling YouTube channel, kung saan ay mapapanood ng kanyang mga tagahanga at taga suporta ang kanyang mga vlog. Sa vlog niyang ito, ay madalas ina-update ni Kath ang kanyang mga tagahanga sa kung ano ang mga kaganapan sa kanyang buhay.
Image Credit via YouTube
Kamakailan nga, ay itinampok ng aktres sa kanyang latest vlog ang naging pagbabakasyon nila ng kanyang nobyo na si Daniel Padilla sa Batangas, kung saan ayon sa aktres ito ay mabilisang bakasyon.
Image Credit via YouTube
Mapapanood sa vlog ni Kathryn ang pagkuha niya ng video simula sa kanilang byahe patungo sa pupuntahan nilang resort sa Batangas. Makikita rin sa video, na kasa-kasama rin ng aktres ang kanyang alagang aso sa kanilang bakasyon.
Image Credit via YouTube
Makikita rin sa video, kung gaano nag-eenjoy ang magkasintahan Daniel at Kathryn, habang nagbabasa patungo sa Batangas.
Image Credit via YouTube
Samantala, bago pa man tuluyang magtungo sa pupuntahan nilang resort kung saan sila magbabakasyon, ay dumaan muna sa isang facility ang magkasintahan kung saan doon ay nagsasagawa ng pagsusuri upang matiyak kung sila ba ay ligtas sa sakit.
Image Credit via YouTube
At ng masigurado na nga na sila ay Negative, dahil lumabas naman agad ang resulta ay nagtungo na ang dalawa sa isang napakagandang resort.
Image Credit via YouTube
Ng makarating na ang magkasintahan sa resort, ay agad namang ipinakita ni Kath sa kanyang video vlog ang magandang ambiance ng resort na talaga namang nakakarelaks at nakakawala ng pagod. Makikita rin sa video na mayroong swimming pool at lagoon sa resort na pinuntahan ng dalawa.
Image Credit via YouTube
Ibinagi rin ni Kath sa kanyang vlog, na nagkaroon sila ng challenge ng kasintahang si Daniel. At ito ay ang hindi pagkain ng anumang karne sa loob ng ilang araw, kung saan ay puro isda at mga gulay lamang ang kanilang kakainin upang magkaroon umano sila ng healthy lifestyle na mas mainam ngayon para siguradong malusog ang pangangatawan.
Video Credit: kathniel/YouTube
https://www.youtube.com/watch?time_continue=1&v=pW4Xl-OCn-o&feature=emb_logo
Nagkaroon rin ng photoshoot sa isang kilalang clothing brand ang aktres sa nagig pagbabakasyon nila sa Batangas. Makikita naman na habang nagpo-photo shoot ay lutang na lutang ang ganda ni Kathryn, at enjoy na enjoy ito sa kanyang ginagawa. Maging ang alagang aso ni Kath na si Tala, ay kasama sa nasabing photoshoot.



Bago naman natapos ang vlog ng aktres ay pinasalamatan nito ang mga taong nag trabaho niya ng araw na iyon Kung nais niyo pang malaman ang ilan pang mga kaganapan sa buhay ng aktres ngayon na si Kathryn Bernardo, ay bisitahin niyo lamang ang kanyang YouTube channel.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *