Silipin Ang Maganda At Napakarelaxing Na Two-Storey House Ni Cristine Reyes

Ang Filipina actress na si Ara Marie Cristine Reyes o mas kilala bilang si Cristine Reyes ay ipinanganak noong February 5, 1989 sa Marikina City. Una siyang nasilayan sa telebisyon ng maging kalahok siya sa reality show ng GMA Network na Starstruck.

Image Credit via Google




Sa ngayon, ay masayang namumuhay si Christine kasama ang kanyang anak na si Amara sa dati niyang asawa na si Ali Khatibi.

Sa isang sub-urban area sa may bandang South Manila nakabili ng two-storey house si Christine, at ayon sa aktres ay tatlong buwan ang naging renovation period ng nabili niyang bahay at katulong niya sa pag-aayos nito ay ang kanyang mga kaibigang interior designer.

Si Christine din mismo ang pumili ng mga kulay na pintura sa bawat silid ng bahay, at siya rin ang namili ng mga kagamitan dahil nais niya na ang mga gamit sa kanyang bahay ay masasabi niyang “one-of-a-kind.” Narito ang ilang pasilip sa napakagandang tahanan ni Christine Reyes.

Living Room

Image Credit via Google

Makikita sa Living room area ng tahanan ng aktres ang isang oversized light color sectional sofa, makikita rin ang sliding glass door na kung saan ay natatanaw ang labas ng bakuran ng tahanan ng actress.

Upang makatipid naman sa espasyo sa living room, isang built-in shelves ang ipinahayag ng aktres sa may bandang hagdan kung saan niya idinisplay ang ilan sa mga paborito niyang Knicknacks.

Dining Area

Image Credit via Google

Para naman maging mapang-anyaya at kaswal ang dating ng kanyang dining area, ay pinili ng aktres para rito ang may pagka bright color.

Limed-green colored wallpaper ang nagbigay ng matingkad na kulay sa bahagi na ito ng bahay ng aktres na bumagay naman sa vibrant undertones ng mga nakadisplay na munting halaman dito. Makikita rin sa dining area ang white custom-made marble table at white leather chairs.

Kitchen Area

Image Credit via Google

Simple ngunit elegante at malinis naman ang kusina ng aktres, na may mga wooden details ang ilang bahagi ng kanyang mga kitchen cabinet.

Stairway Landing

Image Credit via Google

Ang stairway landing naman ay ginawang cozy way station ng actress dahil sa walang sectioned foyer ang kanyang bahay. Nilagyan niya rin dito ng isang kumportableng upuan at ilang mga contemporary art na magbibigay ng munting dekorasyon sa lugar.

Entertainment Room

Image Credit via Google

Mahilig naman manood ng mga pelikula si Christine kaya talagang naglaan siya ng entertainment room sa kanyang bahay. Kaya naman sinugurado ng aktres na sa loob ng kanyang entertainment room ay mag-eenjoy ang mga manood dito sa full visual at auditory experience.

Bedroom

Image Credit via Google

Isang kulay beige upholstered bed naman ang makikita sa loob ng silid ni Christine na may cream headboard na gawa sa leather na may kobrekama na kulay puti at katabi nito ay isang wooden side table.

Soft theme na may patterned cream, gray and lavender wallpaper naman ang mga makikitang kulay at dekorasyon sa loob ng silid na ito ng aktres.

Nagdagdag din siya ng extrang upuan na nilagay niya sa balcony ng kanyang bedroom, kung saan ay tanaw niya ang kanyang garden.

Bathroom

Image Credit via Google

Red and cream colors naman ang mapapansin agad pagpasok sa bathroom ng aktres, at sa may bandang shower area ay makikita ang disenyong mosaic tiles. Makikita rin dito ang mirrored closet doors, na nagbibigay ng ilusyon upang mas maging malapit pa lalo tingnan ang silid.

Walk-In Closet

Image Credit via Google

Ang walk-in closet ng aktres ay isa sa mga pinapangarap ng maraming kababaihan. Halos may pagkakapareho ang ayos nito sa isang posh boutiques na matatagpuan sa New York.

Ang silid na ito ay mayroong pink and white theme, at nilagyan ng aktres ng crystal chandelier sa gitna upang mas magbigay ng ganda sa silid.




Sinigurado din ni Christine na bawat parte ng kanyang walk-in closet ay kumportable at enjoy siya sa tuwing siya ay magbibihis at mag-aayos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *