Silipin Ang Magarang Bahay Na Bunga Ng Pagsisikap Ni Pops Fernandez

Bilang mga tagahanga ay lagi nating sinusubaybayan ang buhay ng ating mga iniidolong artista. Ninanais natin na makita ang mga bagay na kanilang mga naipundar kaya’t ang iba sa atin ay laging nakasubaybay sa kanilang mga social media account o kaya ay sa mga magazines na nagsusulat ng tungkol sa buhay ng isang artista.

Image Credit via Google




Dito ay nakikita natin ang kanilang mga ginagawa katulad ng kanilang mga travel at shows at minsan ay ipinapakita rin nila dito ang kanilang mga personal na ari-arian katulad na lamang ng kanilang mga tahanan.

Image Credit via Google

Hindi nga maikakaila na marami sa ating mga artista ang nakapag pundar na ng kanilang mga tahanan at ito ay hindi lang basta-basta kundi magagarbo at malalaki. Kabilang sa mga kilalang artista na nagbahagi ng kanyang naipundar na tahanan ay ang binansagan na Concert Queen na si Pops Fernandez.

Image Credit via Google

Ang 52- taong gulang na singer/actress ay kilala sa industriya dahil sa taglay niyang galing sa pag-awit noong kanyang henerasyon, ngayon ay bihira ng makikita na lumalabas sa telebisyon si Pops ngunit dahil sa isa siya sa mga sikat na singer noon at talagang tumatak ang kanyang pangalan sa mga tao ay hindi pa rin may aalis na ang kanyang buhay ay maitampok sa mga pahayagan at magasin.

Image Credit via Google

Taong 2013 sa isang edition ng pahayagang Yes! Magazine ay itinampok nito ang tahanan ni Pops Fernandez kung saan ay makikita rito ang loob ng pamumuhay nito. Itinampok rin dito ang istorya bago at habang itinatayo pa lamang ang tahanan ng nasabing actress.

Image Credit via Google

Kilala si Pops Fernandez bilang isa sa mga batikang singer at aktres noong kanyang henerasyon, ngunit maliban sa pagkakaroon ng talento sa pag-awit ay may talento rin ang nasabing singer/actress pagdating sa pagluluto.

Image Credit via Google

Ayon kay Pops sa tuwing siya ay may mga niluluto ang kanyang dalawang anak na si Ram at Robin ang tumitikim ng mga ito, isa raw ito sa mga paraan nilang mag-iina na makapag bonding. Kaya naman makikita sa tahanan ng singer/aktres ang isang napakalaking kusina na napakaganda at napaka aliwalas na talagang mag-eenjoy ang magluluto rito.

Image Credit via Google

Mapapansin rin ang kakabang tema ng tahanan na ito ni Pops dahil may tema itong modern asiano. Ginawa rin ng aktres na maaliwalas ang kanyang buong pamamahay kaya’t hindi niya ito pinag lalagyan ng dibisyon sa sala, kusina at hapagkainan.




Ang tahanang umano na ito ni Pops Fernandez ay kanyang naipundar dahil sa kanyang pagsisikap at pagtatrabaho niya sa industriya bilang isang singer/aktres sa loob ng ilang taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *