Silipin Ang Magarang Bahay Ng Mag-asawang Richard Gomez At Lucy Torres

Nakalipat na ang mag-asawang Richard at Lucy sa kanilang nabiling bahay sa Makati. Ang bahay na dating pagmamay-ari ni Ben Chan ang may-ari ng Bench.

Image Credit via Google




Ayon sa mag-asawa ay matagal na nilang malaman na binebenta ag properties na iyon ni Ben Chan, pero hindi agad nila ito binili dahil masyadong mahal ang halaga nito. Taong 2003 ng bilhin nila ang bahay na ito sa Makati, ng iconvince sila ni Ben Chan na bilhin ito.

Image Credit via Google

Taong 2014 ng iwanan ng mag-asawang Richard at Lucy ang kanilang bahay sa Greenhills at lumipat sa Makati, isang modern at casual house na may femininity touch ang naturang bahay ayon ito sa arkitekto ng bahay na si Jay de Ramos.

Image Credit via Google

Ayon kay Lucy, ang ibang kagamitan sa kanilang bahay ay hindi bago dahil ang iba dito ay galing sa dati niyang bahay. May mga kagamitan din na bigay ng ng kanilang mga kaibigan, at mga kagamitan na nagmula naman sa kanyang ina.

Image Credit via Google

Ibinahagi din Lucy na gusto niya at masaya siya na ang kanilang bahay ay napapalibutan ng mga bagay na may sentimental value sa kanilang pamilya.
Ayon din kay Lucy karamihan sa mga gamit nila sa bahay ay binigay ng kanyang ina, at ang iba rin sa mga ito ay mga gamit pa ni Richard nong siya ay binata pa.

Image Credit via Google

Sa mga larawan na ipinakita, makikita na ang kanilang living area ay napaka homey sa pakiramdam at napakaspacious. Ang kanilang kusina ay may built-in convection oven and microwave, meron din ditong range hood, gas range, at two-door Sub-zero refrigerator.

Image Credit via Google

Meron din itong isang mahabang counter kung saan ay pineprepare ang mga pagkain at dito rin ito sineserve, dito rin nag get together pag may mga bisita ang mag-asawa.

Image Credit via Google

Masasabi nga na isang chef’s dream kitchen ang kusinang ito nina Richard at Lucy dahil sa ganda at lawak nito. Ang silid naman ng mag-asawa ay napakaspacious din at napakaganda, ang pintura nito ay kulay puti at halos puti rin ang mga kagamitan.

Image Credit via Google

May Geraldine Javier painting din na makikita sa na nakasabit sa wall malapit sa kama ng mag-asawa, ito ang nagbigay ng kakaibang kulay sa silid ng mag-asawa.

Image Credit via Google

Hindi rin naman naiba ng kulay ang silid ng anak nila Richard at Lucy. Dahil ang silid ni Juliana ay napipinturahan rin ng puti, at ang nagbigay dito ng kakaibang kulay ay ang couch na kulay berde. Mayroon lamang makikita dito na wooden shelf kung saan nakadisplay ang mga souvenirs, trinkets, books at picture frames ni Juliana.




Makikita rin sa silid ni Juliana ang kanyang mga medals at awards.
Ano ang masasabi niyo sa napakagandang bahay ng mag-asawang Lucy at Richard. At kung paano ang napakagandang si Lucy Torres ay mas ginusto na mga bagay na may sentimental value ang mga kagamitan nila sa bahay..

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *