Silipin Ang Magarbong Bahay Ng Chinita Princess Na Si Kim Chui

Isang dalagang nagmula sa kabisayaan sa Cebu ang ating Chinita Princess na si Kim Chiu. Dahil sa kanyang pangarap sa buhay na matulungan at mabigyan ng maayos na buhay ang kanyang pamilya ay nakipagsapalaran si Kim na sumali sa PBB Teen Edition ang isa sa mga programa ng ABS-CBN, kung saan hindi naman siya nabigo dahil siya ay itinanghal na Grand Winner.

Photo Credit: chinitaprincess/Instagram

At sa pagkapanalo ng ito ay maraming pinto sa industriya ang nagbukas ng pintuan para kay Kim. Ilang pelikula na nga ba ang pinagbibidahan ni Kim Chiu, ilan sa mga ito ang “The Ghost Bride”, “The Healing”, “Bride for Rent” at marami pang iba.




At ngayon nga na isa ng matagumpay at kilala sa industriya ng showbiz, isa sa kanyang naipundar para sa kanyang sarili at pamilya ay ang kanyang bahay na matatagpuan sa Quezon City.

Photo Credit: chinitaprincess/Instagram

Sa mga larawan na lumabas sa social media makikita ang napakalaki at pinaka modernong bahay ng ating Chinita Princess. Ang bahay na ito ay pinaghalong Contemporary, Neoclassical at Victorian style na may sukat na 600 sq.m lot.

Photo Credit: chinitaprincess/Instagram

Sa mga larawan ay makikita ang labas ng bahay ni Kim kung saan madarama mo na papalapit na nga ang Pasko dahil sa mga Christmas decors na nakapalamuti dito. Ang pintuan ay may mystic knot na palamuti kung saan isa itong simbolo sa feng shui, na nagbibigay ng magandang pamumuhay sa may-ari ng bahay at para rin ang simbolo na ito ay makakatulong sa kanya sa paghahanap ng tunay na pag-ibig.

Photo Credit: chinitaprincess/Instagram

Ipinakita rin ang larawan ng kanyang magarbong living room, kung saan makikita ang magagandang furnitures, ang ceiling na mayroong napakagandang chandelier na sa isang ulat ay ipinasadya pa ni Kim sa isang designer.

Photo Credit: chinitaprincess/Instagram

Ang hapag-kainan o dining area naman ay may kakaibang ambiance na para kang nasa bansang Greece kung saan sa wall nito makikita na nakapinta ang isang sikat na lugar sa Greece.

Photo Credit: chinitaprincess/Instagram

Sa kusina naman nina Kim kung saan, ginagawa at pinoproseso ang mga pagkain ay matatagpuan ang mga mamahaling appliances, isa na dito ang kanyang Samsung-French refrigerator. Mayroon din ditong isang flat TV screen at Elba range hood na nasa taas ng lutuan na nagsisilbing tagataboy ng usok mula sa pagkaing niluluto.

Photo Credit: chinitaprincess/Instagram

May seating area din sa may bandang kusina nina Kim, at ang lanai kung saan naman makikita ang isang upholstered sofa na maaring upuan ng mga bisita. Mayroon din ditong isang kagamitan na kapansin pansin ang disenyo, na kung saan ay pwede ka ritong humiga at magpahinga.

Photo Credit: chinitaprincess/Instagram

Ipinasilip rin ni Kim ang kanyang private salon sa kanyang bahay, na kung saan nakuha niya ang ideya ng pagkakaroon ng ganito sa sikat na TV host na si Kris Aquino dahil may sariling salon din si Kris sa kanyang bahay.

Photo Credit: chinitaprincess/Instagram

Ang salon ni Kim ay nakukulayan ng itim at pink na pintura. May mini theatre din si Kim kung saan isa ito sa kanyang paboritong silid sa kanilang bahay. Lalo na kung wala siyang trabaho, dito siya nag rerelax.

Photo Credit: chinitaprincess/Instagram

May kanya-kanya ring silid ang kanyang mga kapatid, ang kanyang kapatid na si Jp ay may sariling kwarto na napipinturahan ng asul at puti at ang dalawa niya namang kapatid na babae ay magkasama sa isang malapad na silid na may dalawang kama na may magandang headboard eto naman ay napipinturahan ng puti na lalong nag linis tingnan sa silid. Ang kanilang powder room naman ay isang simple pero napakalinis at napaka eleganteng tingnan.




Sa ikalawang palapag naman ng kanyang bahay ay matatagpuan ang 2nd living area nina Kim. Dito rin matatagpuan ang silid ng ating Chinita Princess, na mapapamangha ka sa lawak at ganda. Ang silid ni Kim ay may dalawang palapag, at mamamangha talaga ang mga makakapasok ditto dahil napakaganda at lawak nito.

Photo Credit: chinitaprincess/Instagram

Sa unang palapag ng silid ay ang living area at ang kanyang mini -office na kung saan nakalagay ang kanyang IMac at WIFI internet router. Matatagpuan din ditto ang kanyang perfume collections, at ilan sa mga ito ay ang Daisy by Marc Jacobs, Chanel No.5, at ang Un Jardin Sur Le nil by Hermes.

Photo Credit: chinitaprincess/Instagram

akikita rin ang hagdan na may mga dekorasyon ng silver horses na ayon kay Kim ay isa sa kanyang mga pampaswerte. Ang hagdan na ito ay patungo sa kanyang higaan kung nasaan ang kanyan higaan na may headboard na kulay pink at naglalakihang at naggagandahang frame na may mga nakapintang bulaklak ang nakasabit sa dingding nito.

Photo Credit: chinitaprincess/Instagram

May sarili ding bathroom c Kim sa kanyang silid, kung saan siya ay may bathtub, shower area at ang kanyang sauna. Sa ikatlong palapag na naman ng bahay ang walk-in closet ni Chinita Princess, kung saan makikita ang mga magagandang damit at sapatos ni Kim na ginagamit niya sa kanyang mga show.

Photo Credit: chinitaprincess/Instagram

t ang hindi mawawala syempre ay ang swimming pool sa bakuran nina Kim kung saan ito ay nahahati sa dalawa, ang pang batang pool na para sa mga pamangkin ni Kim at ang malaking pool na para naman sa kanila.




Kapansin pansin at kahanga-hanga rin ang kanilang bahay sa tuwing sasapit ang gabi, dahil sa mga naggagandahang Christmas lights na naka dekorasyon para sa nalalapit na kapaskuhan. Ano ang masasabi nyo sa napaka garbing bahay ng ating Chinita Princess na si Kim Chui.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *