Beauty Gonzales ay isa sa mga hinahangaan at tinitingalang aktres ngayon sa industriya ng showbiz. Mas pinatunayan niya pa ang kanyang talent bilang isang mahusay na aktres, ng mapabilang siya sa mga bida ng hit series ng Kapamilya network na “Kadenang Ginto”, na inabangan naman talaga ng marami.
Matatandaan na si Beauty ay unang nakilala ng publiko nang siya ay mapabilang bilang housemate ng reality show ng ABS-CBN noon na PInoy Big Brother taong 2008. Siya ay isang dalaga na tubong Dumaguete City sa Negros Occidental. Dahil sa ipinmalas niyang husay, kakayahan at pakikisama sa kanyang mga kapwa housemate sa loob ng PBB house ay itinanghal nga siyang 4th grand placer ng PBB:Teen Edition Plus.

Samantala, sa ngayon nga ay malayo na ang narrating ng karera ni Beauty sa industriya ng showbiz at maliban pa dito ay mayroon na rin siyang sariling pamilya. Ikinasal siya sa kanyang non-showbiz husband na si Norman Crisologo at ang kanilang pagsasama ay nagbunga na rin ng isang baby na pinangalanan nilang si Olivia Ines.

Para naman bigyang kasiyahan ang kanyang mga tagahanga, ay ipinasilip ni Beauty Gonzales kamakailan lamang ang tahanan nila ng kanyang pamilya na tila nga isang mini-museum sa pamamagitan ng isang vlog na ang content creator ay si Ria Prieto.

Bago nga simulan ng aktres ang kanyang pa-house tour sa kanilang tahanan ay nagkaroon muna siya at si Ria ng maikling kuwentuhan. At nang kanila na ngang simulant ang paglilibot sa tahanan nina Beauty ay masasabi nga naman na ito ay tila isang maliit na museum dahil sa bawat sulok at bahagi nito ay makikita ang mga koleksyon ng aktres na mga iba’t ibang klase ng obra.

Napakarami nga naman talagang mga obra na koleksyon ni Beauty, kagaya na lamang ng mga kahanga-hangang artworks, antiques, religious figures at iba pa ngang mga klase ng disenyo na mas nagbibigay kulay at ganda sa loob ng kanilang tahanan.

Ayon nga kay Beauty, hilig talaga nila ng kanyang asawa na mangolekta ng mga kakaibang bagay at artworks kaya naman halos mapuno na nga ang kanilang tahanan sa dami nito.
Hindi naman maikakaila na maging ang anak nil ani Norman ay mahilig rin sa arts dahil maging sa loob ng silid nito ay may makikita ring iba’t ibang klase ng mga paintings na ayon kay Beauty ay ag kanila mismong anak ang may likha.
Matapos ngang ipakita ang silid ng anak, ay sunod naman ipinakita ni Beauty kay Ria ang curiosity cabinet ng asawa niyang si Norman. Dahil nga sa talagang napakaraming antigong gamit sa loob nito, ay dito na nga naitanong ni Ria sa aktres kung wala bang multo sa loob ng tahanan ng mga ito, dahil batid nga naman ng iba sa atinna kapag mga old collectibles ay sinasabi nga ng ilan na lapitin ng mga multo.
Nilinaw naman ni Beauty, na wala namang multo sa kanilang tahanan kahit napakarami nilang mga old collectibles. Kahit nga naman karamihan sa mga makikitang disenyo at kagamitan sa loob ng tahanan na ito ng aktres at ng kanyang pamilya, ay talaga namang napakaganda nito at napaka-classy tingnan.