Silipin Ang Malawak Na Lupain Ng Mag-asawang Bernadette Allyson At Gary Estrada Na Matatagpuan Sa Probinsya Ng Quezon

Masayang nagbabakasyon ngayon ang mag-asawang Gary Estrada at Bernadette Allyson, kasama ang kanyang tatlong anak na sina Garielle, Gabby at Gianna sa kanilang farm sa Quezon.



Makikita nga sa larawan ng mag-anak, kung gaano sila nag-eenjoy sa tahimik, simple at masaganang pamumuhay nila ngayon sa probinsya.
Ngayon ang panahon ng quarantine, isa ang pamilya nina Gary at Bernadette, sa talaga namang nag-bonding sa pamamagitan ng sabay sabay nilang paggawa ng gawaing bahay, pag-eehersisyo at paglalaro rin ng sports.
Dahil sa namamalagi nga ngayong quarantine sina Gary at ang kanyang pamilya sa kanilang tahanan sa farm nila sa Quezon, ay ipinasilip ng mag-asawang Gary at Bernadette sa publiko ang malawak na lupain ng kanilang farm, kung saan ay plano nila itong maging isang farmland.
“Our own little “Farmville” will soon be reality.#slowlybuutsurely #smallsteadyprogress [praying hands emoticon] Lord kayo na po bahala” ang naging caption nga ni Bernadette sa isa niyang Instagram post kung saan kalakip nito ang larawan ng kanilang farm.
Makikita nga sa iba pang larawan na ibinahagi ni Bernadette sa kanyang Instagram account na kuha sa kanilang farm, na sinimulan na nga nila ang kanilang munting “Farmville”, at ito nga ay malapit ng matapos.
Isang kaibigan naman ni Bernadette ang nagbigay ng positibong komento, sa naging pagbabahahagi na ito ng aktres. “Nakakatuwa naman po at talagang nag-umpisa na kayo magready ng paglalayag ng mais. Okey na Okey po yan. Salamat po”

 

View this post on Instagram

 

Our own little “farmville” will soon be a reality. #slowlybutsurely #smallsteadyprogress 🙏🙏🙏 Lord kayo na po bahala.

A post shared by Bernadette Allyson-Estrada (@bernadetteallyson_e) on

Sinagot na naman ni Bernadette ang kwentong ito ng; “Salamat Atan Samantala, matatandaan nga na noon ay minsang ng nabanggit ni Gary sa isang panayam sa kanya kung saan kasama niya ang kanyang asawa, na na-realize niya na sa farm na ito sa Quezon siya dinala ng kanyang direksiyon, ito umano ay dahil sa hilig niya gumawa ng kung ano-anong mga bagay, at dahil na rin sa mahilig sa pagnenegosyo ng kanyang asawang si Bernadette.



Si Bernadette Allyson, ay pangalawang asawa na ni Gary Estrada, dahil unang ikinasal noon ang aktor sa dating aktres na si Cheska Diaz, kung saan ay nagkaroon sila ng anak, at ito ay ang kapuso actor na si Kiko Estrada.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *