Silipin Ang Malawak Na Palayan Ng Aktor Na Si Rommel Padilla

Tunay nga naman ang kasabihan natin na “Kapag may Itinanim May Aanihin”, ito ay mapapatunayan natin sa kahit ano mang mga gamit at nakukuha natin sa ating mga buhay.



Tulad na lamang ng aktor na si Rommel Padilla, ang ama ni Teen King Daniel Padilla. PInatunayan ni Rommel ang kasabihang ito, matapos niyang ipakita ang kanyang mga lumalagong pananim na matatagpuan sa kanyang malawak na palayan sa probinsya ng Nueva Ecija.
Image Credit via Instagram
Makikita sa larawan na kuha sa palayan ni Rommel, na nagsisipag-usbong na ito, dahil sa litaw na ang mga luntiang dahoon nito na talaga namang napakaganda tingnan sa mga mata, at kung ikaw ay may-ari nito ay talaga namang matutuwa ka dahi sa nakikita mong lumalago na.
Image Credit via Instagram
Sa kanyang Instagram, ay masaya at buong pagmamahal na ibinahagi ni Rommel kung gaano siya ka-proud sa simpleng pamumuhay sa probinsya kasama ang kanyang pamilya.
Image Credit via Instagram
“Palay ay buhay. Dalangin ko naway maging hitik sa bunga ang lahat ng aming ipinunla upang matustusan ang pangangailangan ng pamilya at ang ating pamayanan. Ang Diyos ang siyang pinaka Dakila!” ang naging caption ng aktor, kalakip ang larawan ng kanyang palayan.
Image Credit via Instagram
Ayon din sa dating aktor, nais niyang mapadami ang mga maaning palay ng ating mga magsasaka, kaya naman humingi siya ng tulong sa AgriTech upang matulungan ang mga ito.
Image Credit via Instagram
“Maraming salamat po sa SL-Agritech at sa Kasakang Sir Joseph sa inyong suporta at Layuning palakasin ang ani ng bawat magsasaka!!!! Haymabu!
Image Credit via Instagram
Maging ang kapatid ni Rommel na si Robin ay proud na proud sa adhikain ng kanyang kuya, kung saan ay ibinahagi niya ito sa kanyang Instagram account.
Image Credit via Instagram
“Inilalahad ang kanyang sinasalita, Saludo ako sayo kuya Rommel!!! Kayat mga kamaglulupa sumunod na tayo sa napakalaking hakbang ni kuya omeng wag na tayo umasa sa kilos ng iba!”



“Tayo na ang gumawa at hayaan nating sumunod ang tunay na masisipag at nag-iisip na bumalik sa pagiging maglulupa at magsimulang magtanim para sa ating pansariling kaligtasan sa paparoonan ng mundo sa digmaan laban sa Covid-19. Ito ang oras para maging magsasaka. Balik Probinsya Tayo”, ang naging saad nga ng aktor sa kanyang Instagram post.
Batid ng marami sa atin na ang action star na si Robin Padilla ay nagho-host ngayon sa “Unlad Kaagapay sa Hanapbuhay”, isang agricultural show na mapapanood sa Net 25 tuwing ika -alas syete ng gabi, at nagkaroon ito ng pilot episode noong ika-26 ng hunyo.
Samantala, nanatili naman ang pagbibigay serbisyo ni Rommel Padilla bilang Congressman sa unang distrito ng probinsya ng Nueva Ecija.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *