Silipin Ang Mamahalin At Napakagandang All-In-One Gaming Chair Ni Alodia Gosiengfiao

Maliban sa pagiging isang sikat na vogger ay isa sa mga popular na gamers dinngayon si Alodia Gosiengfiao, ito ay dahil sa marami ang talagang napapahanga ng dalaga sa angking niyang galing sa gaming, lalo na kapag ipinapakita niya ito sa isang game live stream sa kanyang facebook account.



Sa galing nga niya gaming streaming ay naging source of income na ito ni Alodia, maliban sa kanyang pagba-vlogging. Nitong nakaraan nga lamang ay muling napahanga ni Alodia nag mga netizens, ito ay hindi dahil sa vlogging o game stream, kundi dahil sa pagpapakita niya ng kanyang all-in-one gaming chair na tinatawag na Prediator Thrones.
Photo Credit: alodia/Instagram
Photo Credit: alodia/Instagram
Sa isang unboxing video na ibinahagi ng dalaga sa kanyang Youtube channel, ay sinabi ni Alodia kung magkano niya nabili ang kanyang all-in-one gaming chair. At malulula nga kayo sa presyo nito, dahil ayon kay Alodia ito ay nabili niya noong 2019 na kung saan ay nagkakahalaga ito ng Php1.3 Milyon.
Photo Credit: alodia/Instagram
Ibinahagi rin ni Alodia ang kanyang all-in-one gaming chair, sa kanyan Instagram account.
“It’s finally home. Thank you.” Samantala, makikita rin sa isang uploaded video ni Alodia, na maging ang kanyang ama ay relax na umuupo sa kanyang napakagandang gaming chair habang enjoy sa nilalaro nitong solitaire.
Photo Credit: alodia/Instagram
Hindi nga matawaran ang saya na makikita sa mga labi ni Alodia habang ina-unboxing ang mga bagay sa kanyang “throne”. Ang gaming chair nga na ito ni Alodia ay tinatawag na Predator Throne, at isa ito sa most-in-demand gaming chairs ngayon, na kung saan ay halos lahat ng mga gamers ay pinapangarap ang magkaraoon nito.



Marami ang humanga sa napakagandang gaming chair ni Alodia, at ang iba sa kanila ay nagsabi na sana ay katulad ng dalaga ay magkaroon din sila ng ganitong “throne” gaming chair.
Photo Credit: alodia/Instagram
Ayon nga kay Alodia ang gaming chair niyang ito ay binili niya upang mas maging kumportable siya sa kanyang paglalaro ng Warzone. Talaga nga namang masasabi natin na, na kay Alodia na ang isa sa mga pinapangarap ng maraming gamers ngayon, dahil sa pagkakaroon niya ng isang maganda, malinis at nakakamanghang gaming chair na may good set-up, kung saan ay relax na relax siyang makapaglalaro.
Photo Credit: alodia/Instagram

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *