Silipin Ang Marangyang Tahanan Sa Quezon City Ng Aktres Na Si Kris Aquino

Nakapag Desisyon ni Kris Aquino na bago lumipat sa kanilang bagong bahay sa Quezon City ay bigyan muna ng kaunting pagbabago ang disenyo nito, at sa tulong nga ng Heim interior team at interior designer na si Rossy Yabut-Rojales ay naging maayos ang pagbabago ng kanilang lilipat ng bahay.

Image Credit via Google




Taong 2013 ng lumipat ng bahay sa Quezon City ang mag-inang Kris Aquino, Josh at Bimby. At hindi katulad ng mga bahay ngayon na may modernong disenyo ang bahay na ito ni Kris, dahil mas pinili niya na maging homhomey-cottage ang disenyo at ambiance ng kanilang bagong bahay dahil sa pagkakaroon nito ng malawak na espasyo at hardin na animoy isang paraiso.

Image Credit via Google

“Ang bilis, considering na malaki ‘yong house. We had to take down some walls and do some expansion. The original house kasi, amg natira lang bale ‘yong shell niya, the structure itself. We have to make the necessary adjustments according to Kris’s needs.”

Image Credit via Google

“Plus, i-facto-in mo pa ‘yong feng shui. Ang vision niya kasi is parang it’s more of Hamptons, ‘yong classic country home na perfect for family.”

Isang malawak na living room na kaaya-aya sa paningin agad ang sasalubong sayo pagpasok sa tahanan na ito ni Kris Aquino. Pinili rin umano ni Kris na malawak ang mga bintana sa living room upang makapasok dito ang liwanag na nagmumula sa sikat ng araw at ng matanaw din niya ang kanyang napakagandang hardin sa labas ng bahay.

Image Credit via Google

Sa dining area naman ay pinili ni Kris na isang long table ang ilagay kaysa sa coffee table, at upang mas maging maganda at engrande ito tignan ay nilagyan niya ito sa gitna ng isang magandang chandelier.

Image Credit via Google

Ang ideyang ito ay nakuha niya umano sa isang feng shui expert, at nagpapaalala din umano ito sa kanyang ina na si Cory Aquino, na dating naging presidente ng ating bansa.
Island style naman ang ninais ni Kris para sa kanyang kusina, dahil sa mahilig siya magluto at upang hindi na siya mahirapan pag nagshoshoot siya rito.

Image Credit via Google

Sa first floor naman ng tahanan makikita ang make-up room, na ayon kay Kris ay doon niya talaga ipinalagay upang hindi sagabal sa tuwing siya ay may pupuntahan.

Image Credit via Google

“Para accessible, you don’t have to go up. For example, there’s a makeup artist, hairdresser – they don’t need to go up sa bedroom. They’re just here sa baba.”

 

Ang bedroom naman ng kanyang bunsong anak na si Bimby ay nakukulayan ng itim(black), at may disenyo na batman dahil ito ang kanyang paboritong hero. Makikita rin sa silid ang glow in the dark na kisame nito at ang sariling drumset ni Bimbi.

Ang bedroom naman ni Josh, ay may mga disenyo na mapa dahil sa ang hilig nito ay ang maglakbay. “We had this wallpaper customized. Right from the start, travel theme na talaga ag gusto ni Josh,” saad ni Rossy.

Sa 3rd floor naman na tahanan na ito ni Kris makikita ang kanyang walk-in closet, na noong una ay gagawin niya sana itong guest room ngunit ginawa na lamang niya itong malawak na closet na nilagyan niya sa gitna ng chandelier.




“Gusto ko talaga ng open, Ayokong may excuse to be cluttered. Pag hindi yan bukas, magulo yan. Totoo naman, di ba? Kung maraming tinatago, maraming gulo,” saad ni Kris.

Ang malaparaisong hardin naman ni Kris ay puno ng bulaklak na bougainvillea at iba’t-ibang klase pa ng halaman na talaga namang kaaya-aya sa paningin ng sinumang makakabisita rito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *