Silipin Ang Masaya At Kontentong Pamumuhay Ng Dating Singer Na Si Nikki Gil Matapos Iwan Ang Showbiz Para Sa Pribadong Buhay

Natatandaan niyo pa ang ang dating celebrity singer na si Nikki Gil? Mahaba-habang panahon rin siyang nagkaroon ng showbiz career, bago pa man niya napagdesisyunan na bitiwan na ang karera, upang bumuo ng sarili niyang pamilya.




Nakilala din siya noon bilang ang dating nobya ng host-actor na si Billy Crawford, bago ito nagkaroon ng relasyon sa aktres na si Coleen Garcia.

Photo Credit: nikkigil/Instagram

Maraming mga celebrity na nga ang nawala sa industriya ng showbiz, dahil sa mas pinili nila ang mamuhay ng simple at malayo sa kinang ng kamera, mula ng sila ay magdesisyon ng bumuo ng kanilang pamilya, at kabilang na nga rito ang dating singer na si Nikki Gil.

Photo Credit: nikkigil/Instagram

Ilang taon na nga rin ng iwan ni Nikki Gil ang kanyang showbiz career, ngunit sa kabila nito, ay hindi pa rin siya tuluyang nakakalimutan ng kanyang mga tagahanga.

Photo Credit: nikkigil/Instagram

Samantala, ang rason nga kung bakit umalis ang dating aktres sa showbiz, ay dahil sa mas pinili nito na maging pribado ang buhay niya ng siya ay mag-asawa. Ang napangasawa ni Nikki Gil ay ang businessman na nagngangalang BJ Albert, at sila ay ikinasal noong taong 2015.

Photo Credit: nikkigil/Instagram

Makalipas ang dalawang taon, matapos ikasal ang dalawa, ay biniyayaan rin agad sila ng panganay na anak, na pinangalanan nilang si Finn. Maliban pa sa pagiging isang fulltime wife and mommy, ay nagbalik din sa kanyang pag-aaral si Nikki.

Photo Credit: nikkigil/Instagram

Sa ngayon nga ay nag-aaral ang dating singer sa Philippine School of Interior Design (PSID), at ito na nga ang pangalawang kurso na pinag-aralan niya.

Photo Credit: nikkigil/Instagram

Makikita sa Instagram account ni Nikki Gil, na sa kabila ng pag-iwan niya ng kanyang magandang karera sa industriya ng showbiz, ay hindi naman niya ito opinagsisihan, dahil kontento at masaya siya sa kanyang buhay ngayon, bilang isang mapagmahal na asawa at anak.

Photo Credit: nikkigil/Instagram

Punong-puno ng mga family photo ang IG account no Nikki, at halos mga kyut na larawan ng kanyang anak na si Finn mula pagkabata ang makikita dito.




Marahil ay marami sa atin ang nakakamiss kay Nikki Gil, ngunit makikita nga natin sa datong singer na si Nikki Gil, na mas masaya siya sa kanyang buhay ngayon, kasama ang kanyang binuong pamilya.

Tunay nga naman na ang kaligayahan sa buhay, ay hindi lang sa katanyagan atnkasikatan nakukuha. Dahil kahit sa simpleng buhay, basta kontento at masaya ka, ay mas dobleng kaligayahan pa ang iyong madarama, at ganito nga ang buhay ngayon ni Nikki Gil.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *