Silipin Ang Masaya At Makapigil Hiningang Pagdiriwang Ng Anak Ni Empress Schuck Na Si Athalia

Isang makulay at puno ng surpresa ang naging pagdiriwang ng ika-5 kaarawan ng anak ni Empress Shuck na si Athalia.



Kamakailan nga lamang ay masayang ipinagdiwang ng mag-partner na sina Empress Schuck at Vino Guingona, ang kaarawan ng kanilang anak na si Athalia. Ito ay tila isang birthday party surprise para kay Athalia, dahil ang akala talaga ni Athalia, ay walang magaganap na party, dahil sa ito ang sinabi ng kanyang inang si Empress.
Makikita nga sa mga larawan na kuha sa naganap na birthday party ni Athalia, na talaga namang pinaghandaan ng kanyang mga magulang ang kanyang kaarawan, ito ay dahil sa makulay na dekorasyon nito, na ang tema ay “Party Frozen Theme.”’
Photo Credit: itsempressita/Instagram
Nagbahagi rin si Empress ng kanyang mensahe para sa kanyang anak na si Athalia, at kalakip ng mensahe niyang ito para sa anak, ay ang larawan nito na kuha sa birthday party nito.
Photo Credit: itsempressita/Instagram
“Happy birthday mg baby girl Athalia!!! I’m so happy that you appreciate this! I know I’ve been telling you know party, no decorations, no gifts, I’m sorry but I just really wanted to surprise you and your reactions is so priceless!
Photo Credit: itsempressita/Instagram
Nagpasalamat din si Empress sa lahat ng tumulong sa kanyang upang maging maayos at maganda ang birthday party ni Athalia mula sa mga pagkain, sa set-up ng decoration, at kung ano-ano pa, at isa na nga sa kanyang pinasalamatan ay ang @flourishhandfrills.
Photo Credit: itsempressita/Instagram
Hindi nga lang ang Frozen Party, ang naging surpresa ni Empress sa kanyang anak na si Athalia, dahil maliban dito ay pinag suot niya rin ito ng frozen costume para siya’y maging si “Elsa” sa Frozen dahil isa umano ito sa mga gusto ng kanyang anak, at dahil sa miss na miss na rin ni Athalia ang paglalaro sa kidzoona, ay isang inflatable slide pa ang inihandog niya para rito na mula naman sa Calebsinplaytafun.
Photo Credit: itsempressita/Instagram
“So of course ordered a costume from Shopee haha and I knew how much you miss Kidzoona so @calebsinplaytafun to the rescue! Look at that reaction when you saw the next surprise! [laughing emoji with tears] Inflatable slide that can fit In your garage! Nag-enjoy siya kahit walang ibang kids!”
Photo Credit: itsempressita/Instagram
Hindi naman inakala ni Empress Shuck, na sa mismong araw ng kaarawan ng kanyang anak ay maging siya ay makakatanggap ng surpresa na talaga namang nagbibigay kasiyahan sa kanya, ito ay dahil sa biglang mag-propose sa kanya ang kanyang partner na si Vino.
Photo Credit: itsempressita/Instagram
Sa ginawa ng ang pag-propose ni Vino, ay hindi napigilan ni Empress ang maging emosyonal sa sobrang kasiyahan, at pinasalamatan rin niya ang lahat ng kanyang pamilya na tumulong kay Vino, na maging matagumpay ang proposal nito.
Photo Credit: itsempressita/Instagram
“Thank you to my siblings, for helping Vino arrange this, to my parents ‘blessings, to @niceprintphoto kahit nasabihan lang few minutes before Thank you for being there since my baby shower. You still captured this moment beautifully.
Nagbigay naman si Empress sa kanyang partner na si Vino, dahil sa naging surpresa nito sa kanya, na talaga namang bumuhos ang emosyon niya sa sobrang saya.



“A new chapter begins for me.. And I know by walking with God together, we are on the right path.. The goal of our relationship is to honor him and do things what’s right on his eyes and that’s what we’re going to do real soon..”, ang naging saad nga ni Empress para kay Vino.
Marami naman sa mga netizens at mga kaibigan ni Empress sa showbiz, ang talaga namang nasiyahan dahil sa doble-dobleng pagdiriwang na naganap sa kaarawan ng anak nitong si Athalia. Double celebration nga naman talaga dahil sa pagdiriwang ng kaarawan, at pagdiriwang din ng masayang pag-iibigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *