Silipin Ang Masaya At Makulay Na Selebrasyon Ng Ika-5 Taong Kaarawan Ni Luna Ang Bunsong Anak Ng Mag-asawang Judy Ann Santos At Ryan Agoncillo

Noong ika-8 ng Enero ay tumuntong na sa kanyang ika-5 taong gulang ang bunsong anak ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agocillo na si Juana Luisa o kilala sa kanyang palayaw na Luna.




At upang maging masaya at makulay ang kaarawan ng bunsong anak, ay isang selebrasyon ang prenepara ng mag-asawa para sa kaarawan ng kanilang bunsong anak.

Photo Credit: officialjuday/Instagram

Sa kabila nga ng pagbabawal pa rin hanggang ngayon ng malaking pagtitipon dahil sa patuloy na paglaganap ng krisis, ay nagawa pa rin ng mag-asawang Juday at Ryan na magkaroon ng masayang selebrasyon si Luna sa kanyang kaarawan. At ito nga ay sa pamamagitan ng online birthday party.

Photo Credit: officialjuday/Instagram

Makikita nga sa mga ibinahaging larawan ni Juday sa kanyang Instagram account ang naging masayang kaganap sa kaarawan ni Luna, kung saa ito ay isang “Minni Mouse Theme” zoom party, na siya mismo bilang ina nito ang nag-organisa.

Photo Credit: officialjuday/Instagram

Isa nga sa mga agaw-pansin na larawan ni Luna sa kanyang kaarawan na ibinahagi ng kanyang inang si Juday, ay ang napaka-cute niyang larawan, na kung saan ay kitang kita ang kanyang kasiyahan habang siya’y nakasuot ng dress at head band na may disenyong “mouse ear”.

Photo Credit: officialjuday/Instagram

May mga larawan pa nga kung saan ay makikita naman na buo at kumpleto ang pamilya, kung saan ay nakasuot ng pink tshirt ang Agoncillo family.
Napakasaya nga ni Luna sa kanyang kaarawan, at ito ay talaga namang makikita sa bawat larawan na ibinahagi ni Juday.

Photo Credit: officialjuday/Instagram

Mayroon pa ngang larawan ang magkakapatid na Yohan, Lucho at Luna, kung saan naman ay makikitang sobrang enjoy silang magkakasama.

Photo Credit: officialjuday/Instagram

Ibinahagi ni Juday sa kanyang naging post, na super excited talaga ang anak niyang si Luna sa kaarawan nito ngayong taon, at talaga namang ito ay inaabangan nito.
Mas lalo pa ngang nasiyahan si Luna, ng makita at makalaro ang kanyang mga kaibigan, kahit nga ito’y virtual lamang.

Photo Credit: officialjuday/Instagram

Narito naman ang naging caption ni Juday sa naging pagbabahagi niya ng mga larawan na kuha sa selebrasyon nilang pamilya sa ika-5 taong kaarawan ni Luna.

Photo Credit: officialjuday/Instagram

“Our little bunny turned 5 yesterday.. she’s been looking forward to her “Minnie mouse themed” zoom party with friends ever since after Christmas. [two red heart emoji] she had so much fun, seeing and playing with her friends kahit na virtual lang.”

Special mention din sa post ni Juday ang kanyang kaibigan at kumare na si @teenabaretto, na malaki umano ang naitulong para maging matagumpay ang virtual party na kaarawan ni Luna. maliban pa rito, ay pinasalamatan rin ng aktres, ang kanilang mga supplier, kagaya na lamang ng kanilang McDonald’s family.




Sa hiwalay na post naman ni Juday, ay makikita ang kanyang sweet birthday message para sa bunsong anak.

“Our little potpot, my little sous chef, kikay baby, wacky bunso happy 5th sweetheart! Oh my…. Parang hindi ka naman 5. .parang 25 ka na. The way you think, talk and understand are just some of traits that truly amazes mommy and daddy.. we will forever be grateful for you sweetheart.. we love you forever and ever and ever.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *