Silipin Ang Masaya At Simpleng Pamumuhay Kasama Ang Pamilya Ni James Yap Na Malayo Sa Showbiz

Ibinahagi ng “Rain or Shine” basketball player na si James Yap kung gaano ka simple at katahimikan ang buhay niya ngayon , malayo sa showbiz.



Si James Yap ngayon kasama ang kanyang Italian girlfriend na si Michela Cazzola at dalawa nilang anak na sina Michael James at Francesca Michelle ay masayang naninirahan sa bansang Italya, ang bansa kung taga-saan ang kanyang nobya.
Photo Credit: jamesyap18/Instagram
Halos 6 na taon na ring magkarelasyon at nag sasama sina James at ang Michela, ang kanilang unang anak ay si Michael (4-taong gulang) na ipinanganak noong August 2016 at ang pangalawa naman ay si Francesca (2-taong gulang ) na ipinanganak noong June 2018.
Photo Credit: jamesyap18/Instagram
Ayon kay James ay buhay niya ngayon kasama ang kanyang pamilya ay “masaya, tahimik, at okay naman.” Abala rin umano ang “Rain or Shine” player sa kanyang basketball business at sa kanyang pamilya.
Photo Credit: jamesyap18/Instagram
Ngunit habang ibinabahgi ni James Yap ang masaya niyang buhay ngayon na “masaya, tahimik at okay naman”, ay pinili ng sikat na basketbolista na hindi na mga komento pa tungkol sa relasyon niya sa anak niyang si Bimby Aquino-Yap, ang anak niya sa dating asawang si Kris Aquino.
Photo Credit: jamesyap18/Instagram
Kamakailan nga lamang sa isang panayam ng PUSH kay James, ay sinabi nito na kahit abala siya sa kanyang negosyo, ay may inilalaan pa rin siyang oras para sa kanyang pamilya.
Photo Credit: jamesyap18/Instagram
“Well, kailangan, magbigay din ng time sa family., kasi syempre itong business na ‘to para sa family mo, so naiintindihan naman nila ako kung busy ako dito kasi para naman ito sa kanila”, saad ni James.
Photo Credit: jamesyap18/Instagram
“Kailangan i-manage mo talaga ang time mo kasi pag nagbigay ka ng time sa business, kailangan may time ka pa rin sa family mo, kailangan talaga yun para hindi magkagulo”, dagdag pa nito.
Photo Credit: jamesyap18/Instagram
Isa nga sa mga naging katanungan kay James sa naging panayam sa kanya ng mapag-usapan ang kanyang mga anak, ay kung may pagkakataon pa rin ba na kasama niya ang kanyang anak na si Bimby, kung saan ay hindi nagbigay ng anumang komento ang dating PBA MVP at sumagot lamang ito ng “No, comment.”
Photo Credit: jamesyap18/Instagram
Matatandaan na ikinasal si James Yap noong 2005 sa TV Host-actress na si Kris Aquino, na isang secret wedding at mula ng sila’y maikasal ay marami na silang mga hindi pagkakaintindihan at isyu na pinagdaanan sa kanilang relasyon.



Taong 2010, ng maghiwalay ang dalawa, at sa parehong taon din ay nagsimula ang kanilang court battles tungkol sa annulment at sa visitation rights ni James para sa anak na si Bimby.
Samantala, makikita nga sa mga larawan ng binuong pamilya ngayon ni James at Michela, kung gaano kasaya ang kanilang pagsasama, kasama ang kanilang mga munting anghel na sina Michael James at Franchesca Michelle.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *