Silipin Ang Masaya At Simpleng Pamumuhay Ngayon Ng Celebrity Couple Na Sina Alwyn Uytingco At Jennica Garcia

Ilang taon na rin na hindi nasisilayan sa telebisyon ang active stars noong mid-2000’s na sina Alwyn Uytingco at Jennica Garcia, ito ay matapos piliin ng celebrity couple ang buhay na malayo sa limelight.




Matatandaan na si Alwyn Uytingco ay nagsimula ng kanyang karera sa showbiz sa ABS-CBN network, samantalang si Jennica naman ay isa sa mga popular na bituin sa GMA network.

Photo Credit: jennicauytingco/Instagram

Noong 2016 ay muling nasilayan sa telebisyon si Alwyn Uytingco na Kapatid Network’s HAPPinas Happy Hour, samantalang isang freelancer ngayon si Jennica, at huli itong nasilayan sa telebisyon sa defunct series ng ABS-CBN na “Magpahanggang Wakas”.

Photo Credit: jennicauytingco/Instagram

Sa ngayon, ay biniyayaan na sina Alwyn at Jennica ng dalawang magagandang anak na babae na si Athena Mori (4 years old) at Alexis Severina (1-year-old).

Photo Credit: jennicauytingco/Instagram

Taong 2014, ng magdesisyon si Jennica na magpahinga muna sa showbiz at parehong taon rin ng magpakasal siya sa aktor na si Alwyn Uytingco. Matapos nga nito ay naging isang fulltime mommy na siya ng kanyang anak na isa ng toddler, at mas pinili na niya ang simpleng pamumuhay malayo sa mga intriga sa showbusiness.

Photo Credit: jennicauytingco/Instagram

Ang pagiging isang full time mommy ang naging career na ni Jennica, masaya siyang masaksihan ang bawat ganap sa buhay ng kanilang na si Baby Mori, at syempre in enjoy din niya ang pagiging kauna-unahang playmates nito.

Photo Credit: jennicauytingco/Instagram

Iba nga naman talaga ang nagagawa ng isang full time mommy, dahil sa career na ito ay madidiskubre mo ang lahat ng bagay na kayang gawin ng baby mo at maging ang mga improvement sa sarili mo as a mom.

Photo Credit: jennicauytingco/Instagram

Ibinahagi rin ni Jennica na sa edad na 9-months old ng kanyang anak ay potty-trained na ito, kaya naman talagang proud siya sa mga bagay na ginagawa na nito.

Pinapalaki rin ng celebrity couple ang kanilang ana na mas pahalagahan at maging masaya sa simpleng pamumuhay, kaya naman may rules sila na “no to plastic and battery-operated toys” at hindi rin nila sinanay ang mga ito na magsuot ng mga signature at mamahaling mga damit. Hindi rin umano hinahayaan ni Jennica ang kanyang mga anak na ma-expose sa gadgets, kaya “Gadgets not allowed” pa rin sa mga ito.




Isa naman sa mga bonding moments ni Alwyn sa kanilang mga anak ay ang , father-daughter gardening na ginagawa nila every Sunday morning. Binigay niya sa kanyang mga anak ang ilang safe gardening materials para matuto ang mga ito kung paano ang magtanim ng mga halaman.

Sa kanilang Instagram, ay pagbabahagi pa rin ang mag-asawang Alwyn at Jennica ng ilang pasilip ng kanilang mga adorable daughter at kung gaano kasaya ang kanyang buong pamilya sa simpleng buhay na mayroon sila ngayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *