Silipin Ang Masaya At Tahimik Na Pamilya Ni Dabarkads Pia Guanio

Dating host at aktres ng Kapamilya si Pia Guanio, ngunit makalipas ang ilang taon niyang pagiging isang Kapamilya ay pinili nitong lumipat sa Kapuso network, kung saan ay mas binigyan siya ng malaking break sa kanyang career.




Sa ngayon nga ay isa na si Pia, sa mga maituturing na pinakamatagal at loyal regular co-host ng longest running noontime show na Eat Bulaga, kung saan ay patuloy pa rin natin siyang pinapanood araw-araw hanggang ngayon.

Photo Credit: piaguanio_mago/Instagram

Matatandaan na mas nakilala ng publiko si Pia, ng siya ay maging host sa 24-Oras sa segment nitong ‘Chika Minute’, kung saan ay nakasama niya ang iba pang mga mamamahayag na sina Mel Tiangco, Mike Enriquez at Vicky Morales.

Photo Credit: piaguanio_mago/Instagram

Hindi naman nagtagal, ay nagdesisyon siya na bitiwan ang kanyang pagiging host sa Chika Minute, ito ay upang mas magkaroon siya ng oras at panahon sa kanyang pamilya. Ang pumalit nga sa kanya, ay ang nagbalik kapuso na si Iya Villania.

Photo Credit: piaguanio_mago/Instagram

Taong 2011 ng ikinasal si Pia Guanio sa kanyang asawang si Steve Mago, na isang businessman. At ang kanila ngang pagsasamang mag-aasawa, ay nabigyan na ng dalawang supling, na sina Soleil Brooklyn Mago at Scarlet Jenine Mago.

Photo Credit: piaguanio_mago/Instagram

Masaya si Pia ngayon sa kanyang pamilya, at dahil nga sa nabawasan ang trabaho niya ng bitawan niya ang Chika Minute ay mas marami na siyang naibibigay na oras sa kanyang mag-aama.

Photo Credit: piaguanio_mago/Instagram

Makikita naman sa larawan ni Pia kasama ang kanyang pamilya, na madalas ang kanilang naging bonding mag-anak.

Photo Credit: piaguanio_mago/Instagram

Bago ikinasal si Pia sa asawa niyang si Steve, ay naging karelasyon niya muna noon si Bossing Vic Sotto, kung saan ay tumagal rin ng 7-taon ang kanilang pinagsamahan bago ito nauwi sa hiwalayan noong taong 2010.

Photo Credit: piaguanio_mago/Instagram




Ngayon nga ay pareho ng masaya at may kanya-kanyang pamilya sina Pia at Vic Sotto. Si Pia sa piling ng kanyang mahal na asawang si Steve, at si Vic Sotto naman ay kasal na kay Pauleen Luna. sa kabila naman ng naging past ni Pia kay Vic, ay naging matalik na kaibigan pa rin niya ang asawa nitong si Pauleen.

Photo Credit: piaguanio_mago/Instagram

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *