Silipin Ang Masayang Bakasyon Ni Geneva Cruz At Kanyang Anak Kasama Si Rachel Alejandro

Ibinahagi ng Filipino singer na si Geneva Cruz sa kanyanh Instagram account niyo lamang nakaraan ang masayang larawan nila ng kanyang anak, na kinunan sa isang beach. Kitang kita naman na enjoy silang mag-ina lalo a’t naka-twinning outfit pa sila ng kulat asul na floral dress.




“Beach Buddies”, ang naging caption ni Geneva sa larawan.
Makikita nga sa Instagram ng Filipino singer ang apat na larawan kung saan ay kasama niya sa mga larawan ang anak niya sa dating boyfriend niyang Fil-Ausie na si Lee Paulsen at ito nga ay si London Cruz.

Photo Credit: genevacruzofficial/Instagram

Ngayon ay 6-taong gulang na ang anak ni Geneva na si London, at namana nito sa kanyang ina ang kagandahan ng isang morena.

Photo Credit: genevacruzofficial/Instagram

Samantala, katulad nga ng mga nag-gagandahang tanawin sa mga larawan ng mag-ina, ay makikita rin ang kanilang magandang postura, lalo pa’t makikita kung gaano sila kasaya at ka-enjoy sa kanilang bonding moments sa isang beach.

Photo Credit: genevacruzofficial/Instagram

Kapansin-pansin rin sa mga larawan kung gaano pa rin ka-sexy hanggang ngayon si Geneva, sa kabila nga ng pagiging isa na niyang mommy.

Photo Credit: genevacruzofficial/Instagram

Si Geneva Cruz ay nakilala sa mundo ng showbiz bilang isang mahusay na mang-aawit dahil sa kanyang talento at pagkakaroon ng magandang tinig. Siya ay isa sa mga multi-platinum Filipina singer at aktres.

Photo Credit: genevacruzofficial/Instagram

Ilan sa mga naging hit-songs na kanta ni Geneva na talaga namang noon, hanggang ngayon ay naririnig pa rin natin at timatangkilik ay ang “Anak ng Pasig” at ang “Kailan.”
Ang National artist of the Philippine for music na si Ryan Cayabyab ang nakadiskubre kay Geneva, at ito rin nga ang bumuo ng iconic music group na kinabilangan niya noon na tinawag ngang “Smokey Mountain.”

Sa ngayon ay may bagong boyfriend si Geneva at ito nga ay isang American Concert Producer at isang dating United States Marine na si Nikolaus Booth. Ngunit bago pa man nga matagpuan ni Geneva ang masayang buhay pag-ibig sa karelasyon niya ngayon, ay matatandaan na siya ay ikinasal sa radio DJ at aktor na si KC Montero na tumagal nga ng 8-taon bago sila naghiwalay.




Matapos nga ang relasyon kay KC Montero ay naikasal din si Geneva sa musikero na si Paco Arespacochaga, at nagkaroon nga siya ng isang anak na lalaki dito, at ito nga ay si Heaven.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *