Silipin Ang Masayang Bakasyon Sa Subic Ng Magkakaibang Kim Chiu Bela Padilla at Angelica Panganiban

Kasabay ng Pagdiriwang ng Ikatlong Taong Anibersaryo ng Kanilang Pagkakaibigan
Nasa Ikatlong taon na nga ng pagkakaibigan ang magkakaibigang Kim Chiu, Bela Padilla at Angelica Panganiban.



Nagsimula ang pagkakaibigan nina Angelica, Kim at Bela noong taong 2018, kung saan ayon kay Kim ay naging malapit silang tatlo sa isa’t isa ng magsimula silang nag hang-out at mas ma-enjoy nila ang “company” ng bawat isa.
“AngBeKi”, yan ang tinatawag ng tatlo sa kanilang grupo, kung saan ayon kay Kim ay nagmula ito sa kani-kanilang mga Twitter name, na pinagsama-sama lang nila.
Nito ngang ika-3 ng Oktubre taong 2020, masayang ibinahagi ni Kim Chiu sa kanyang latest vlog ang unang out-of-town adventure nilang magkakaibigan.
Masayang nagtungo sa Subic, Zambales sina Kim, Bela at Angelica, upang magkaroon ng quick vacation, at para i-celebrate na rin ang ika-3 taong anibersaryo ng kanilang pagkakaibigan.
Bago pa man nga ang road trip ng tatlong magkakaibigan, ay naibahagi ni Kim na excited siyang magbakasyon kasama ang kanyang dalawang malalapit na kaibigan sa showbiz. Ayon pa nga sa aktres ito ang kanilang unang bakasyon, matapos magkaroon ng community quarantine, na umabot ng halos anim na buwan.
“This is super exciting and looking forward kung ano ang magiging first outing namin in this quarantine season” ang saad nga ni Kim.
Bago pa man gawin ang kanilang pagbabakasyon, ay ginawa muna ng tatlong magkakaibigan ang tradisyon na ginagawa na nila sa loob ng halos 2-taon.
At ang kaugalian ngang ito ay ang pag-gate crash sa isang birthday party, kung saan ay matagumpay nilang nagawa noong sila ay magpunta sa selebrasyon ng kaarawan ng aktres na si Cherry Pie Picache.
Samantala, makikita nga sa vlog na ibinahagi ni Kim, kung gaano sila masayang magkaibigan habang sila ay nsa Subic at nagbabakasyon.
Ilan nga sa kanilang mga ginawa ay ang pag tampisaw sa infinity swimming pool, pag-ihaw para sa kakainin nila sa dinner, at maging ang paghuhugas nila ng pinggan na makakatulong sila ay talagang inenjoy ng magkakaibigan.
Makikita rin na isa sa mga naging libangan ng tatlo ay ang paglalaro ng fun card game, kung saan ay enjoy na enjoy sina Bela at Ange, dahil sa palagi nilang natatalo si Kim.



Ipinagluto naman ni Angelica ng masarap na almusal ang kanyang mga kaibigan, at matapos nga ang naging masarap nilang agahan ay nagdesisyon ang tatlo na mag-swimming sa karatog Isla kaya naman sila’y sumakay ng sumakay ng Bangka, kung saan ay si Angge ang nagmani-obra.
Talaga namang makikita sa tatlong magkakaibigan, kung gaano sila kasaya at ka-enjoy sa kanilang naging bakasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *