Silipin Ang Masayang Buhay Ng Fit At Seksi Pa Rin Na Si Keana Reeves Sa Edad Nitong 50 Taong Gulang

Natatandaan niyo pa ba ang noon ay sikat na actress-model na si Keana Reeves? Ngayon nga ay 50-taong gulang na ito, ngunit magkaganoon man, ay fit at seksi pa rin ito at masaya sa buhay na mayroon siya ngayon.




Si Keana Reeves o sa tunay na buhay ay si Janet Derecho Duterte ay isinilang noong ika-24 ng Setyembre 1970. Siya ay kilala ng publiko, bilang isnag modelo, pinay comedian at aktres.

Image Credit via Google

Matatandaan na mas nakilala pa sa mundo ng showbiz si Keana Reeves ng matapang niyang aminin sa publiko noong buwan ng Disyembre taong 2004 na siya ay isang escort girl, kung saan ay isiniwalat niya rin na karamihan sa mga naging kliyente niya ay mga lawmakers.

Image Credit via Google

Sa kabila ng pagiging baguhang artista o “starlet” pa lamang noon sa showbiz, ay agad ng napabilang sa ilang mga proyekto si Keana Reeves.

Image Credit via Google

Ilan nga sa mga proyektong kinabilangan niya ay mga comedy o di kaya naman ay ,mga pelikulang mayroong mga daring scene, na kung saan ay talaga namang ipinakita niya ang kanyang husay at galing sa pag-arte.

Image Credit via Google

Taong 2016, ng mapabilang si Keana sa sitcom na Home Sweetie Home na pinagbibidahan nina Toni Gonzaga at John Lloyd Cruz, na kung saan ay napanood natin siya sa ilang mga episode nito. Ngunit kalaunan ay naglaho rin sa naturang proyekto ang actress-comedian.

Image Credit via Google

Minsan na rin nating napanood sa reality TV show na Pinoy Big Brother: Celebrity 1st edition si Keana Reeves, ng siya nga ay mapabilang bilang housemate’s ng nasabing programa noong taong 2006. Matatandaan rin na siya ang itinanghal na grand winner ng nasabing kumpetisyon, kung saan ay nagwagi siya ng tumataginting na halagang 4 na milyong halaga na cash at prizes.

Image Credit via Google




At dahil sa isang celebrity series ang napagwagiaan ni Keana, ay ang isang charity na kanyang mapipili ang pagkakalaooban niya ng isang milyon na kasama sa kanyang napanalunang cash, at ang charity ngang napili ng aktres ay ang Gabriela Women’s Right Advocate.

Image Credit via Google

Samantala, masasabi naman natin na ngayon ay masaya at kontento si Keana Reeves sa buhay na mayroon siya, ito ay base na rin sa mga ibinabahagi niyang post sa kanyang Instagram account.

Ayon kay Keana, siya ang girlversion ng Hollywood personality na si Keanu Reeves, isa sa mga sikat na action star sa ibang bansa, dahil dito umano nagmula ang kanyang pangalang Keana Reeves.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *