Silipin Ang Masayang Diving Adventure Ni Kapuso Actress Jennylyn Mercado Sa Mabini Batangas

Maraming mga celebrity ang nahihilig sa mga adventurous activity, tulad ng hiking, biking, o di kaya naman ay diving, dahil sa mas nakikita nila na nakaka-enjoy at nakaka-relaks itong gawin. Kabilang na nga rito ang celebrity couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.




Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Kapuso actress Jennylyn Mercado ang masayang diving adventure niya sa Mabini, Batangas, kung saan ay kasama niya ang kayang mga kaibigan. Inilahad naman ng aktres, na hindi niya kasama ang nobyong aktor ng mga pagkakataong iyon.

Photo Credit: mercadojenny/Instagram

Sa Instagram account ni Jennylyn, ay makikita nga ang kanyang mga ini-upload na larawan na kuha sa naging masayang diving adventure nilang magkakaibigan. At sa ibang mga larawan nga ay makikita na enjoy na enjoy ang aktres, habang nagpapakuha ng larawan kasama ang mga sea turtle sa ilalim ng dagat.

Photo Credit: mercadojenny/Instagram

Kalakip naman ng larawan na ito, ay ang caption ni Jennylyn na;
“Our diving buddy says hello.” Pilyo at may halong pang-aasar naman para sa kanyang boyfriend na si Dennis Trillo ang mababasa sa isang post ng aktres, kung saan ay ipinakilala niya ang kanyang “new diving buddy.”

Photo Credit: mercadojenny/Instagram

“Sorry, love, I have a new diving buddy”, ang naging caption ng aktres.
Sa hiwalay na post naman ni Jennylyn Mercado ay pinasalamatan niya ang mga nakasama niya sa pagda-dive na siyang gumabay sa kanya, upang maging maayos at ligtas siya at ang kanyang mga kabigan sa diving adventure nila.

Photo Credit: mercadojenny/Instagram

“Thank you @pernillasjoo for one of my best dives because of you and kuya @escletoedwin.” “Thanks for conquering the sea with me. I’m gonna miss you! Til our next dive”, ang naging saad ng Kapuso actress sa kanyang post.

Photo Credit: mercadojenny/Instagram

Samantala, hindi naman ito ang unang pagkakataon na nag-diving adventure ang Kapuso actress, dahil noong taong 2016, ay nagtungo rin sila ng nobyo niyang si Dennis Trillo sa Mabini, Batangas kung saan ay masaya silang nag-dive. Ang magkasintahan ay nakasama sa ginawa na underwater clean-up drive na ginawa ng Philippine Coast Guard sa Mabini, Batangas.

Photo Credit: mercadojenny/Instagram




Sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ay nasa 7-taon ng magkarelasyon, kung saan noon lamang ika-2 ng Enero ay ipinagdiwang ng dalawa ang kanilang ika-7th anniversary, sa pamamagitan ng isang simple ngunit romantikong dinner date sa Tagaytay.

Photo Credit: mercadojenny/Instagram

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *