Silipin Ang Masayang Family Bonding Nina Sofia Andres At Daniel Miranda Kasama Ang Anak Na Si Baby Zoe

Ikinagulat ng maraming tagahanga ng aktres na si Sophia Andres ang naging pagsasapubliko niya na siya’y isang ganap na mommy ng isang napaka-cute na baby girl.




Matatandaan na noong Hunyo no’ng nakaraang taon, ng ibahagi ng aktres ang pagkakaroon niya ng anak, kung saan ay ginawa niya ito sa pamamagitan ng pagbati ng Happy Fathers Day sa kanyang nobyong si Daniel Miranda, na siya ngang ama ng kanyang anak.

Photo Credit: iamsofiaandres/Instagram

Samantala, ngayon nga ay halos isang taon na ang anak ni Sophia at Daniel na si Zoe, kaya naman ay talagang makikita na ang taglay na kakyutan nito at pagiging aktibo bilang isang isang taong gulang na sanggol.

Photo Credit: iamsofiaandres/Instagram

Makikita naman sa Instagram ni Sophia, kung gaano siya kasaya sa piling ng kanyang partner ngayon na si Daniel at kanila ngang anak.

Photo Credit: iamsofiaandres/Instagram

Isa sa nga milestone nina Sophia at Daniel ay ang maiparanas sa kanilang anak na si Zoe ang isang masayang family bonding sa isang bakasyon, na kamakailan nga lamang ay kanila ngang ginawa.

Photo Credit: iamsofiaandres/Instagram

Sa latest vlog ng dalawa, ay makikita ang naging pagbabahagi nila ng kanilang naging maikli ngunit masayang bakasyon, kasama si Zoe.

Nagbakasyon ang pamilya sa isang magandang resort na matatagpuan sa San Benito, Batangas, kung saan ito nga ang kanilang kauna-unahang weekend getaway, matapos ang halos ilang buwan na pananatili nila sa loob ng kanilang tahanan dahil sa paglaganap ng oandemya sa bansa.

Video Credit: Sofia and Daniel/YOuTube

Ibinahagi ni Daniel, ang kyut na kyut na si baby Zoe habang ito’ my enjoy na enjoy sa pakikipaglaro sa mga pato. Si Sophia naman ay ipinasilip ang napakagandang silid ng nasabing resort kung saan nga ay do’n sila mananatili sa kanilang maikling bakasyon.




Ang mas nakakamangha pa sa lugar, ay paglabas ng silid nina Sophia at Danielz ay mayroon itong sariling pool, kung saan ay napakalamig at linaw ng tubig na talaga namang masarap magtampisaw.

Sa vlog din ng dalawa ay makikita ang napakagandang tanawin ng lugar na kanilang pinuntahan, at kitang kita nga na talagang nag-enjoy at nagrelaks sina Sophia at Daniel, kasama si babay Zoe.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *