Silipin Ang Masayang Honeymoon Sa Amanpulo Ng Mag-asawang Sarah Geronimo At Matteo Guidicelli

Matatandaan na noong buwan ng Pebrero taon ng kasalukuyan, ng magpakasal sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo.



Kung atin ngang babalikan ang naging kasal ng dalawa noong ika-20 ng Pebrero 2020, ay talaga namang isa ito sa mga kasalan na naging usap-usapan hindi dahil sa bongga nito kundi dahil sa simple ngunit napaka-kontrobersyal ng kasalang ito.
Image Credit via Google
Hindi naging lihim sa publiko na noong magkasintahan pa lamang ang dalawa ay hindi na naging madali ang naging kwento ng kanilang pag-iibigan, ito ay dahil sa hindi pagsang-ayon ng mga magulang ni Sarah sa kanyang pakikipagrelasyon kay Matteo.
Image Credit via Google
Ngunit kahit hindi sang-ayon ang mga magulang ng singer-actress, ay hindi naman ito naging hadlang sa dalawa upang sukuan nila ang pag-ibig nila sa isa’t isa, kaya naman hanggang sa kanilang naging pagpapakasal ay talagang ipinaglaban nila ito.
Image Credit via Google
Batid natin na hindi isang engrandeng kasal ang naging pagpapakasal ni Matteo at Sarah, dahil ito’y isang “secret wedding” ceremony na dinaluhan lamang ng ilang piling panauhin.
Image Credit via Google
Hindi rin agad nakapag-honeymoon sina Matteo at Sarah matapos ang kanilang simpleng kasal, ito ay dahil sa bago pa man dumating ang schedule ng dapat ay honeymoon nila ay nagkaroon naman ng lockdown dahil sa paglaganap ng pandemic.
Image Credit via Google
Hanggang nitong kamakailan lamang, ay nagbahagi ang mag-asawang Matteo at Sarah, ng kanilang mga larawan na kuha umano sa masayang honeymoon nilang dalawa sa napakagandang Isla ng Amanpulo.
Image Credit via Google
Sa kanila ring honeymoon ay ipinamalas ni Sarah ang kanyang galing sa pagbake, kung saan ay ipinahanda niya ng makakain ang kanyang asawang si Matteo.
Image Credit via Google
Marami naman sa mga tagahanga at taga suporta ng mag-asawa, ang nag-aabang ng ilan pang mga larawan nila Sarah at Matteo sa kanilang naging honeymoon sa Amanpulo.



Makikita naman ang mga ngiti nina sarah at Matteo, sa ilang mga larawan nila na kanilang ibinahagi sa kanilang social media account ang lubo nilang kaligayahan sa kanilang naging honeymoon.
Ayon naman sa ilang mga artikulo, ang kaibigan ng mag-asawa na si Dra. Vicki Belo, ang gumawa ng paraan upang matukoy ang pagdiriwang ng late honeymoon nina Sarah at Matteo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *