Silipin Ang Masayang Pagdiriwang Ng Ika-31 Taong Kaarawan Ni Matteo Guidicelli Kasama Ang Kanyang Pamilya At Asawang Si Sarah Geronimo

Nito lamang nakaraang ika-26 ng Marso taon ng kasalukuyan ay ipinagdiwang ng aktor na si Matteo Guidicelli ang kanyang ika-31 taong kaarawan. Kung saan isa na naman ng ito sa mga maituturing niyang espesyal na araw na ipinagkaloob sa kanya ng Poong Maykapal,




dahil sa iyo na ang ikalawang taon na siya’y nagdiriwang ng kaarawan na kapiling niya na at parte na ng kanyang buhay ang kanyang pinakamamahal na si Sarah Geronimo, na kanyang naging asawa.

Photo Credit: isgfan/Instagram

Isang advance celebration naman ang naganap para sa pagdiriwang ng kaarawan ni Matteo, at ito nga ay ang naging masayang bakasyon nila ng kanyang pamilya sa Palawan, kung saan ay dalawang okasyon na nga ang kanilang ipinagdiwang.

Photo Credit: isgfan/Instagram

At ito ay ang 1st wedding anniversary nila ng kanyang asawang si Sarah at ang kanya ngang advance birthday celebration. Nagpaabot naman ng pagbati sa pamamagitan ng mensahe sa Instagram ang ina ni Matteo na si Mommy Glenna Guidicelli para sa aktor,

Photo Credit: isgfan/Instagram

kung saan ay binanggit ng nito na ang tanging hiling niya sa kaarawan ng kanyang panganay na anak ay ang magkaroon ito ng isang magandang buhay at kabutihan, lalo na sa pagbuo nito ng pamilya kasama ang misis nitong si Sarah. Kalakip pa ng mensahe, ay ang family photo nga nila, na kinunan habang sila ay nasa Palawan.

Photo Credit: isgfan/Instagram

“Happy birthday Son! Thank you for bringing joy in our lives… God bless you and Sarah #familyiseverything #celebratelife #enjoyingsimplething” Base nga sa mga naging ulat, sa Flower Island Resort sa Palawan nagbakasyon sina Matteo at Sarah, kasama ang pamilya ng aktor,

Photo Credit: isgfan/Instagram

kung saan nga ay makikita ang kanilang masayang family bonding, tulad na lamang ng naging salo-salo nila sa hapag-kainan at iba pang ang mga aktibidad na ginagawa sa naturang resort, kagaya ng nagtatampisaw sa tubig-dagat.




Masisilayan naman sa iba pang mga larawan ang nag-uumapaw na ka-sweetan ng mag-asawang Matteo at Sarah. Ilan nga sa mga aktibidad sa beach na kanilang inenjoy ay ang pagsakay nila sa jetski, kasama ang kanyang alagang aso.

Kitang-kita naman sa mga ngiti ni Matteo, na labis ang nadarama nitong kasiyahan sa pagdiriwang niya ng kanyang kaarawan, dahil kasama nga niya sa panibagong biyaya na ito sa kanyang buhay ang kanyang pamilya at mahal na asawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *