Silipin Ang Masayang Pamilya Ng Sikat Na Host Si Pia Guanio

Marami sa atin ang nakakakilala kay Pia Guanio, dahil isa siya sa mga co-host ng isa sa pinaka- at longest-running na noontime show ngayon na Eat Bulaga ng GMA-7.




Si Pia Guaṅo o Liana Pia Coronado Guanio – Mago sa totoong buhay ay 44-taong gulang na tv host-actress. Napapanood natin siya noon sa entertainment program na “Showbiz Central”, dahil isa siya sa mga head anchor nito.

Photo Credit:piaguanio_mago/Instagram

Isa din siya sa mga naging showbiz segment anchor noon ng TV News program ng GMA-7 na “24 Oras”. Lingid sa kaalaman ng marami sa atin bago nagsimula ang magandang karera ni Pia Guanio sa telebisyon bilang isang Tv host-actress ay nagsimula muna siya bilang isang traffic reporter sa CALTEX RoadWatch noong taong 1999.

Photo Credit:piaguanio_mago/Instagram

Dahil sa kanyang pagkakaroon ng angking galing sa pagbibigay ng impormasyon at balita, ay napukaw niya ang pansin ng isa sa mga travelogue channel at ito ay ang Lakbay TV kung saan ito na nga ang naging daan at simula ng kanyang pagkakaroon ng magandang karera bilang isang TV host-actress.

Photo Credit:piaguanio_mago/Instagram

Matatandaan rin natin na minsang naging parte ng ABS-CBN Network si Pia, ito ay ng mapabilang siya sa morning show noon na “Alas Singko Y Media. Nakuha ni Pia ang kanyang biggest break ng siya ay lumipat sa rival network GMA-7 noong taong 2004, kung saan ay kabilang siya sa ilang mga popular na show ng nasabing network.

Photo Credit:piaguanio_mago/Instagram

Naging showbiz caster siya ng “Chicka Minute” ng 24-Oras at Sunday talk show na “S-Files”, isa na rin siya ngayon sa mga regular na host ng Eat Bulaga.

Photo Credit:piaguanio_mago/Instagram

Maliban sa kanyang magandang karera sa buhay, ay may masayang pamilya na rin ngayon si Pia Guanio, ito ay matapos niyang ikasal noong Oktubre 2011 sa kanyang asawa na ngayon na si Steeve Mago.

Photo Credit:piaguanio_mago/Instagram

Taong 2012 naman ng isinilang niya ang kanyang panganay na anak na si Scarlet Jenine, at noong Mayo 2018 naman ay muli silang nagka-anak ng isilang niya ang pangalawa nilang anak na si Soleil Brooklyn.

Marami nga naman sa mga tagahanga ni Pia, ang nasisiyahan dahil sa nakikita nila na mayroong masayang pamilya ang kanilang iniidolo.




Makikita nga naman sa mga Instagram post ni Pia, kung gaano kasaya ang kanilang pamilya, at mas hinahangaan pa nga ngayon ng marami ang kilalang Tv host dahil kahit gaano pa siya kaabala sa kanyang trabaho ay ginagawa pa rin nito na magkaroon ng oras para sa kanyang mga anak.

Tunay nga naman na pamilya ang pina-mahalaga sa buhay ng isang tao, na kahit ano pa o gaano ka pa ka-busy o abala sa mga bagay na iyong ginagawa ay talaga namang magbibigay at magbibigay ka ng oras para sa iyong pamilya, dahil lahat nga naman ng mga bagay na iyong ginagawa ay para rin sa kanila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *