Silipin Ang Masayang Pamumuhay Ni Andi Eigenmann Sa Siargao At Ang Naipundar Nilang Simpleng Bahay

Isa sa mga magagandang aktres na nakilala sa industriya sa showbiz, si Andi Eigenmann, dahil maliban sa ang kanyang mga magulang ay parehong artista ay talaga namang ipinakita rin ni Andy ang kanyang galing bilang isang magaling na aktres sa industriya.




Ngunit sinong mag-aakala, na ang isang aktres na tulad ni Andi Eigenmann na lumaki sa syudad at marangyang pamumuhay ay nangangarap pala ng isang simpleng buhay sa isang isla na malayo sa kabihasnan na kanyang kinalakihan.

Image Credit via Google

Ngayon ang dating aktres na si Andi Eigenmann, ay isa ng surfer mom ng dalawang cute niyang mga anak, at ayon pa nga sa isang source ay simple at masayang namumuhay sa isla ng Siargao kung saan ay natupad ang pinapangarap nitong buhay na manirahan malapit sa may dalampasigan.

Image Credit via Google

Ang asawa naman ngayon na katuwang ni Andi sa kanilang pamumuhay sa isla ay isang surfer trainor na si Philmar Alipayo. Ayon nga kay Philmar, ay masaya ang buhay nila ni Andi sa isla, lalo na ng dumating ang kanilang anak, dahil may nakakalaro na si Ellie (anak ni Andi kay Jake Ejercito).

Image Credit via Google

Ibinahagi rin ni Philmar na hindi madali ang buhay ng isang surfer na tulad niya, ngunit sa kanyang pagsisikap ay unti-unti ng guminhawa ang kanyang pamumuhay.Matatandaan nga na noong September 2017, ay naitala na isa si Philmar sa mga naging kampeon sa ika-19th Siargao National Surfing Cup.

Image Credit via Google

Maliban nga sa pagiging surfer ng mag-asawang Philmar at Andi, isa na rin sa pinag kaka-abalahan nilang dalawa ay ang bagong gawa nilang Youtube channel. Ito ay tinatawag nilang “Happy Islanders”, na kung saan ay ang magiging laman nito ay tungkol sa kanilang pamilya, at simpleng pamumuhay sa isla ng Siargao.

Image Credit via Google

Kamakailan nga lamang, sa kanilang Youtube channel, ay ibinahagi nina Philmar at Andi ang kanilang unfinished dream house sa isla. Ito ay pinaka simpleng tahanan para sa kanilang binubuo ng pamilya, at makikita nga na ang bubong nito ay nipa o pawid.

Video Credit: Andi Eigenmann/YouTube

“Living my island dreams have been nothing short of amazing sharing it with you @chepoxz! Salamat karajaw. Our dream house slowly coming together. We are happy and looking forward to sharing it with all of you soon”, saad ni Andi sa kanyang Instagram post.




Ang kanila ngang video blog, ay talaga namang nagpapakita ng kanilang simple, masaya at masaganang pamumuhay sa isla ng Siargao, kung saan natagpuan ni Andi ang tunay na kahulugan ng pag-ibig at ang kasimplehan ng pamumuhay na kanyang pinapangarap.

Image Credit via Google

Ibinahagi din ni Andi, na asahan pa ng marami nilang mga tagahanga at tagasubaybay ang marami pa nilang ibabahaging adventure tungkol sa kanilang buhay sa isla sa mga susunod pa nilang mga vlog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *