Silipin Ang Mga Childhood Photos Ng Mga Aktres Na Sina Kathryn, Liza At Nadine

Sa Instagram ng @kathlizdines ay ibinahagi ang mga larawan ng aktres na sina Kathryn, Nadine at Liza. Ang mga larawang ito ay kinagigiliwan ng mga netizens at social media user dahil ito ay mga larawan ng tatlong maniningning na aktres noong sila ay mga baby’s pa lamang.

Image Credit Via Google
Image Credit Via Google
Image Credit Via Google




Makikita ang larawan ni Kathryn Bernardo, Liza Soberano at Nadine Lustre ang kanilang chubby cheeks na kung saan ay bata pa lamang ay talaga nga namang napakacute at napakacharming na nila.

Ang larawan na ibinahagi sa page ng @kathlizdines ay may caption na “These chubby cheeks cuties are now gorgeously grown up to be a star not only in their family but also to us. Truly a queen.

Image Credit Via Google

Naaliw at natuwa ang tagahanga nina Kath, Liza at Nadine ng makita ang mga larawang ito, dahil nakita nila na ang kanilang mga iniidulong personalidad sa industriya ng showbiz ay talaga nga namang mga cute na at may angking ganda kahit sila ay mga bata pa lamang.

Image Credit Via Google
Image Credit Via Google

Ngunit sino ba naman ang mag-aakala na ang mga batang nasa larawan ay maging isa sa mga sikat na personalidad sa ating bansa. Na ang bawat isa sa kanila ay malayo na ang narating at talaga namang nagniningning ang kasikatan sa showbiz.

At sino din ang makapagsasabi na ang tatlong batang nasa larawan ay iidolohin at hinahangaan ng ating mga kababayan higit ng ating mga kabataan dahil sa kanilang angking ganda at lalo’t higit sa angking talento na mayroon sila.

Si Kathryn Bernardo ay kilala ngayon na isa sa mga Box Office Queen na kung saan ay pumalo sa mahigit Php 800 million ang kinita ng kanyang dalawang pelikula na magkasunod na taon lamang.

Ito ay ang “The How’s of US” noong 2018 na tambalan nila ng kanyang real time boyfriend at ka loveteam na si Daniel Padilla, sinundan naman ito ng tambalan nila ni Alden Richard sa pelikulang “Hello, Love, Goodbye” na naging Box Office Hit din ngayong taon lamang.

Image Credit Via Google

Si Liza Soberano naman ay kilala bilang isa sa pinakamagaling na artista sa ating industriya, at isa sa may pinakamagandang mukha hindi lamang dito sa ating bansa kundi pati na rin sa labas nito. Kilala rin siya na katambal at ka loveteam ni Enrique Gil na kung saan ay marami na ang kanilang pinagsamahang proyekto ng sinubaybayan ng kanilang mga tagahanga.

Image Credit Via Google
Image Credit Via Google

Ang aktres na si Nadine Lustre naman ay kilala sa pagiging isang modelo na may angking talino at galing din sa pag-arte. Ang kanyang ka loveteam ay ang kanyang real time boyfriend na si James Reid.

Image Credit Via Google
Image Credit Via Google




Patuloy din ang pamamayagpag ng career ni Nadine sa showbiz industry, at marami din ang kanyang tagahanga na patuloy na sumusuporta sa kanya. Malayo na nga naman ang narating na tagumpay ng tatlong cute na bata sa larawang i ng mga social media user.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *