Silipin Ang Mga Larawan Na Kuha Mula Sa 2nd Birthday Ni Baby Elias Anak Nina Ellen Adarna At John Lloyd Cruz

Mabilis nga naman lumipas ang panahon, dahil kung ating babalikan ay parang kailan lamang ng maging usapan-usapan sa social media ang pagkakaroon ng anak ng magpartner noon na sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna.



Dalawang taon na pala mula ng isilang ni Ellen, ang anak nito sa 37-taong gulang na aktor at dating partner na si John Lloyd. At kamakailan nga lamang, ay nagdiwang na ang kanilang anak na si Elias ng ika-2 taon noong kaarawan.
Sa kanyang Instagram post noong June 26 ng taong ito, ay ibinahagi ng 32-taong gulang na celebrity mom ang ilang mga larawan, kung saan ay kasama niya ang kanyang anak na si Elias at ito ay para sa nalalapit nitong kaarawan.
Makikita sa ibinahagi ng mga larawan ni Ellen Adarna, ang kanilang mga larawan ni Baby Elias na kuha mula sa ilang lugar na kanilang pinasyalan tulad ng sa carnival ride, bakasyon nila sa ibang bansa at pamamasyal nila sa playground at beach.
Sa post na ito ng aktres ay nilakipan niya ito ng caption na “2”, na may kasama pang wrapped present, heart, breastfeeding mother at isang baby emoji. Makikita rin ang isang video na ibinahagi ng aktres, ito ay ng siya ay tumutugtog ng piano habang kalong niya ang anak niyang si Elias.
May ilan pa ngang mga larawan si Elias na ibinahagi ng mommy nitong si Ellen Adarna,tulad na lamang ng isang cute photo nito na kung saan kitang kita ang ngiti nito habang nag-floating ng kanyang sarili sa pool at nakasuot ng napakalaking sunglasses.
Ibinahagi rin ng mommy na si Ellen Adarna, ang ilang mgg set-up para sa kaarawan ni Elias. Makikita nga sa recent post stories ng aktres ang isang video, kung saan ay ipinakita nito ang mga cakes, toys, mga loot bags, makulay na mga balloons, at mga cute cut-outs ng mga cartoon character na nagsisilbing background sa birthday party.
Samantala, dahil sa pagkakaroon ng quarantine, ay striktong ipinagbabawal ngayon ang pagkakaroon ng mga mass gatherings, at isa na nga dito ang birthday party.
Maririnig naman sa video na ibinahagi ni Ellen sa kanyang stories, ang kanyang tawa habang kinakausap si Elias tungkol sa kaarawan nito. “You have such a beautiful party, but you don’t have visitors. Oh My God! saad ng aktre”
“But tuloy pa rin”, ang naging saad pa nito.
Ipinanganak ng si Elias Modesto, noong June 27, 2018 at ngayon nga ang anak na ito nina Ellen at John Lloyd ay nagdiwang na ng kanyang 2nd birthday sa Cebu Ayon sa ilang ulat, parehong nasa Cebu sina Ellen, Elias at John Lloyd ngunit hindi pa sigurado kung kabilang ba si John Lloyd sa mga naging bisita sa kaarawan ni Elias.
Matatandaan naman na noong Abril, sa isang radio interview, ay sinabi ni Ellen na wala pa siyang planong magbalik sa showbiz dahil mas nais niyang magfocus na palakihin ang anak na si Elias, katulong ang ama nito na si John Lloyd Cruz sa pamamagitan ng co-parenting.



Ng tanungin nga si Ellen ni disc jockeys ng RX931, kung balak na ba nito bumalik sa showbiz kapag natapos ang pandemic ay agarang sinagot ito ng aktres.
“Definitely not in the next seven years”, ang naging kasagutan nga ni Ellen.
“I want to be with my son in his formative years, which is the first seven years. I’m a very hands-on mom”, dagdag pa nito Ang aktres na si Ellen Adarna at aktor na si John Lloyd Cruz ay naghiwalay noong August 2019.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *