Silipin Ang Mga Larawan Ni “Francine-Cassie” Ng Kadenang Ginto Kasama Ang Kanyang Totoong Pamilya

Ang ating pamilya ang nagbibigay sa atin ng suporta at pagmamahal sa bawat hamon at tagumpay na nararanasan natin sa ating buhay. Sila din ang nagsisilbing inspirasyon natin upang makamit ang bawat pangarap na nais nating makamtan.

Photo Credit: francinesdiaz/Instagram




Wala nga kasing-saya kung ang isang pamilya ay sama-sama tuwina, at wala ka na ngang mahihiling pa kung nakikita mo ang kasiyahan sa bawat miyembro ng iyong pamilya.

Photo Credit: francinesdiaz/Instagram

Para sa teen actress na si Francine Diaz o mas kilala natin ngayon na si Cassie Mondragon sa Kapamilya serye na “Kadena Ng Ginto”, ay makasama lamang niya at makita na masaya at buo ang kanyang pamilya ay napapawi na ang kanyang pagod na nadarama lalo na kung siya ay mula pa sa shooting ng eksena ng Kapamilya serye.

Photo Credit: francinesdiaz/Instagram

Talaga nga namang ipinapakita talaga ni Francine ang kanyang galing sa pag-arte dahil sa bawat eksena na mapapanood natin sa “Kadenang Ginto” ay masasabi natin na ibinibigay talaga ng batang aktres ang nararapat na pag-ganap niya bilang c Cassie na anak ni ‘Romina Mondragon’ na ginagampanan naman ng aktres na si Beauty Gonzales.

Photo Credit: francinesdiaz/Instagram

Ngunit sa kaalaman ng lahat ay malayong-malayo sa totoong buhay ni Francine ang buhay ng ginagampanan niyang karakter na si ‘Cassie’. Dahil kung sa teleseryeng Kadenang Ginto ay solong anak si Cassie ni Romina Mondragon, sa totoong buhay naman ay isa si Francine sa anim na anak ng kanyang Mommy Medrick at Daddy JM.

Photo Credit: francinesdiaz/Instagram

Samantala sa ipinakita ang galing at dedikasyon ni Francine sa kanyang trabaho bilang artista at pag ganap ng maayos sa karakter na ibinibigay sa kanya ay talaga nga naman na isa na siya sa mga sikat na teen artist ngayon sa edad niya na 15-taong gulang.

Pero alam niyo ba na sa likod ng camera ay isang masayahin na dalaga si Francine, lalo na kung ang kanyang kasama ay ang kanyang pamilya. Sa kanyang Instagram account ay laging nagbabahagi ang dalaga ng mga larawan ng kaniyang pamilya lalo na ang mga bonding moments nilang mag-anak na makikita ang pagiging malapit niya sa kanyang mga magulang at mga kapatid.

Isa na nga sa mga naging masayang bonding moments nila ng kanyang mga kapatid ay ang isang biglaang children’s party na dapat ay pangkaraniwang pagsasama-sama lamang ang kanilang gagawin ngunit dahil sa kasiyahan at kakulitan nila ay nauwi ito sa masayang paglalaro.

Ng minsan namang mag panayam sa Kapamilya talkshow na “Magandang Buhay” si Francine at ang kanyang Daddy, ay inamin ng ama ng dalaga na hindi naging madali para sa kanilang mga magulang ang itaguyod ang kanilang lumalaking pamilya.




Kaya’t malaki umano ang pasasalamat ni Daddy JM at ng kanyang pamilya sa pagkakataong binigay sa kanilang anak na si Francine dahil ang makapasok ito ng showbiz lalo na sa pagiging isa sa bida nito ng ‘Kadenang Ginto’ ay mas lalo pang dumami ang mga alok na proyekto para sa kanilang anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *