Silipin Ang Mga Magagandang Larawan Ng Lord Of Scents Na Si Joel Cruz Kasama Ang Kanyang Walong Cute Na Mga Anak

Si Joel Cruz, ay kilala bilang isang perfume mogul, kung saan sa mundo ng pagnenegosyo pagdating sa mga pabango, ay siya ang binansagan na “Lord of Scents. Siya ang Presidente at CEO ng sikat at kilalang perfume na “Aficionado Germany.”




Hindi maikakaila, na isa siya sa pinakamatagumpay na tao pagdating sa pagnenegosyo, kaya naman isa rin siya sa mga kinikilalang pinakamayamang tao sa Pilipinas, dahil sa talaga namang ang negosyo niyang “perfume” ay sikat at tinatangkilik ng maraming mga perfume user.

Photo Credit: joelcruzaficionado/Instagram

Samantala, maliban naman sa pagiging isang “Lord of Scent” at pagma-manage ng kanyang mga negosyo, ay may iba pang ginagampanang role sa buhay at pinagkaka-abalahan si Joel Cruz. At ito nga ay ang pagiging isa niyag mabuting ama sa kanyang walong cute na cute na mga anak.

Photo Credit: joelcruzaficionado/Instagram

Ang walo ngang anak ni Joel Cruz ay sina Prince Sean, Princess Synne, Harry, Harvey, Prince Charles, Princess Charlotte, Zeid at Ziv. Kung saan ang lahat ng mga anak niyang ito, ay ipinanganak sa bansang Russia, sa pamamagitan ng IVF o In Vitro Fertilization.

Photo Credit: joelcruzaficionado/Instagram

Unang naging anak ni Joel ang kanyang fraternal twins na sina Prince Sean at Princess Synne, kung saan ang kambal ngang ito ay nabuo sa pamamagitan ng IVF o In Vitro Fertilization.

Photo Credit: joelcruzaficionado/Instagram

Sa ilang mga naging ulat sa website ng Aficionado, ay nakasaad doon na ang pangalan ng surrogate mother ng unang kambal na anak ni Joel Cruz na sina Prince Sean at Princess Synne, ay nagngangalang Lilia, isang blonde Russian na may hawig umano sa Hollywood actress na si Julia Roberts.

Photo Credit: joelcruzaficionado/Instagram

Dahil sa mahal na mahal ni Joel ang kanyang kambal, na siya niyang unang mga anak, ay talaga namang iniingatan niya ang mga ito, kaya naman ang naturang kambal ay nilaanan niya ng nurse, tatlong nannies, bodyguard, security guard at sariling drive, kung saan nga ang mga ito’y binansagang “The Entourage.”

Photo Credit: joelcruzaficionado/Instagram

Muli namang nagkaroon ng panibagong kambal si Joel Cruz, noong buwan ng Nobyembre taong 2015, at ito nga ay sina Harry at Harvey, na ang ina ay si Lilia ang surrogate mother ng unang kambal.

Makikita nga sa ilang mga larawan, ang masaya ng pamilya ni Joel Cruz noong apat na ang kanyang mga anak.

Ilang taon ang lumipas, ay nagdesisyon muli si Joel na magkaroon ng panibagong anak, at ito’y kambal muli na sina Prince Charles at Princess Charlotte, na ipinanganak rin sa Russia. Ang kambal ngang ito, ay patatlo na sa kambal na anak ng President-CEO ng Aficionado.

Saad nga noon ni Joel Cruz, ay nais niya muling magkaroon pa ng ika-apat na set ng Kambal. “Yun na ‘yung last program sa Russia. I’m hoping and praying n asana kambal ulit sila. Para maging walo sila”, saad nga nito.

Ang ika-pitong anak nga ni Joel, ay si Zeid, isang cute na cute na baby boy.
“Russia sent me the very first picture of my 7th son Zeid Cruz. I didn’t see him in St Petersburg & thank God I saw him now.”

Winelcome naman ni Joel Cruz ang kanyang ika-8 anak na si baby Ziv noon lamang ika-6 ng Nobyembre 2018, kung saan ay isinilang rin ito sa St. Petersburg, Russia.

Mabilis nga ang naging paglaki ng pamilya ni Joel Cruz. Kung saan ay makikita sa mga larawan ng kanyang pamilya ngayon, na ang kanyang mga naunang anak na puro kambal ay malalaki na, at lahat ang kanyang mga anak ay talaga namang pogi at magaganda.




Nito lamang ngang ika-20 ng May, ay ipinakita ni Joel sa kanyang social media account ang isang larawan kung saan ay kumpleto niyang kasama ang walo niyang anak. At ayon nga sa kanya, ang larawang ito ay kinunan sa kanyang mansion sa Canyon Woods.

Kalakip nga ng larawan na ito, ay ang caption niya na; “A proud father of 8 children! Single father, GAY, happy, responsible, & very blessed.”

Ibinahagi rin ni Joel Cruz, na isa sa kanyang anak na babae, na si Princess Synne ang nakuhang model ng isang mall para sa kids apparel nito.

May larawan naman na ibinahagi si Joel, kung saan ay makikita naman ang isa niya pang anak na babae na si Princess Charlotte, na nagdadasal. At ayon nga sa perfume mogul, ang kanyang walong mga anak, ay gabi-gabing nagdadasal.

Dahil sa makikita ang pagiging malapit ng kanyang mga anak sa isa’t isa ay tinawag ni Joel Cruz na “Siblings goals” ang mga ito.

Hindi nga maitatanggi na pagdating sa kanyang mga anak ay “All-out” si Joel Cruz, at tuwing nagdiriwang ng kaarawan ang mga ito ay talaga namang magarbo at bongga ang selebrasyon ng kaarawan ng kanyang mga chikiting.

Ngunit dahil na nga sa pagkakaroon ng [email protected]@, sa naging pagdiriwang ng ika-5th birthday nina Harry at Harvey noong ika-24 ng Oktubre, ay mas pinili ng perfume mogul na sa bahay na lamang i-celebrate ang kaarawan ng mga ito.




Maging ang naging pagdiriwang ng ika-8 taong gulang na kaarawan ng kambal na sina Prince Sean at Princess Synne, ay ginawa na lamang munang simple ni Joel.

Magkaganoon man, kahit naging simple ang pagdiriwang ng kaarawan ng mga anak, ay sinigurado naman ng President-CEO ng Aficionado, na magiging masaya ang kanyang mga chikiting, sa mga regalo na ibinigay niya sa mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *