Silipin Ang Mga Magagara At Mamahaling Sapatos Na Inipon Ng King Of Talk Na Si Boy Abunda

Isa sa mga hinahangaan at itinuturing ng beteranong host ng mga programa sa industriya ng showbiz, ay si Tito Boy Abunda, kung kaya naman siya rin ang tinaguriang King of Talk ng showbiz.




At dahil nga sa talagang napakatagal na ni Tito Boy sa showbiz, maliban sa perang naipon niya at mga ari-aring naipundar mula sa kinikita niya sa pagiging isang host, ay naparakarami na rin niyang naipon na sapatos, dahil sa iba’t iba ang isinusuot niya kapaga siya’y nagtatrabaho.

Video Credit via YouTube

Sa latest vlog nga ng itinuturing na King of Talk ng showbiz, ay ipinakita nito sa kanyang mga subscribers at tagahanga ang kanyang napakarami ng koleksyon ng mga sapatos.

Video Credit via YouTube

Ibanahagi naman ni Tito Boy Abunda, sa vlog niyang ito, na kaya sobrang dumami ang kanyang mga sapatos, ay dahil sa kanyang pagiging isang host, kung saan araw-araw siyang lumalabas sa telebisyon, ay kinakailangan rin niyang mag palit lagi ng sapatos, hanggang hindi na nga niya namalayan napadami na ito.

Video Credit via YouTube

Ayon pa nga sa beteranong host, ang kanyang pagkahilig sa sapatos ay nagsimula noong makapasok siya sa showbiz, at nagsimula siyang mabigyan ng kabila’t kanang mga shows at programa.

Video Credit via YouTube

“But I started fascination with shoes, when I started to shows. I’ve been doing shows for many years, and that is the reason why I have this huge collection of shoes, na talaga namang gusto kong gamitin.”

Video Credit via YouTube

Samantala, inamin naman ni Tito Boy, na kahit napakarami na ng kanyang mga sapatos, ay hindi niya basta-basta pinamimigay ito. Ito ay dahil sa ang bawat sapatos, ay talagang napakahalaga sa kanya, at syempre mamahalin din kasi talaga ang mga ito.

Video Credit via YouTube

Ayon pa nga sa host, kahit pa umano kaibigan na niya ang humingi nito ay hindi pa rin niya ito basta basta ibinibigay. Ibinahagi pa ni Tito Boy, na ang kanyang mga sapatos ay mas marami kaysa sa kanyang mga damit, dahil sa iilan lamang ang mga damit niya, at sa sapatos talaga siya pagkahilig.

Video Credit via YouTube

Binigyan diin pa nga ni Tito Boy, na kung gaano siya katagal sa showbiz, ay halos ganoon na rin karami ang kanyang mga sapatos na naipon. Ayon pa sa kanya, itinabi at tinago niya na lamang ang mga ito, dahil sa wala namang magmamana ng mga nito.

Bago pa nga matapos ang video vlog ni Tito Boy, ay nagbahagi pa siya ng isang karanasan niya sa isang “shoes store” ng mga luxury shoe brand sa bansang Paris, kung saan ay nakaranas siya ng diskriminasyon.

Video Credit: Boy Abunda/YouTube

“Can I see your new collection’ tapos lumabas, ang dala old collection. Syempre alam ko kasi, nabibigyan ako ng mga kaibigan ko ng ilang pairs ‘di ba? Dahil sa sama ng loob ko, pinag-ipunan ko po at bumili ho ako ng apat na pairs ng Louboutin”, pagkukwento ni Boy Abunda.




Kwento pa ni Tito Boy, matapos ang naranasan niya ng diskriminasyon, ay talaga namang nag-ipon siya ng husto, upang makita ng mga ito sa kanyang pagbabalik, na hindi siya dapat hamakin ang mga ito. Muli ngang bumalik si Tito Boy, sa naturang luxury shoe brand store, at sa kanyang naging pagbalik, ay agad siyang bumili ng apat na pares ng mamahaling sapatos ng mga ito.

Nagbigay na naman ng payo si Tito Boy, sa mga tao, na nangangarap na magkaroon ng maraming koleksyon ng mga sapatos. “Take it one pair of shoes at a time and never be afraid to dream”, ang payo ng ani Boy Abunda.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *