Silipin Ang Mga Magagara At Mamahaling Sasakyan Ng Ilan Sa Inyong Mga Paboritong Artista

Sa mga sikat na celebrity ay hindi nga naman imposible ang magkaroon sila ng mga magagandang sasakyan, hindi lang basta maganda kundi mga mamahalin pa.
Mamamangha kayo sa presyo ng sasakyan ng 7 celebrity na ito;




1. Maja Salvador – Nakatanggap naman si Maja Salvador ng napakagandang regalo sa kanyang kaarawan, ito ay ang Isuzu MU-X. Ang sasakyang ito ay nagkakahalaga ng P1.5 million. Isa sa mga teleserye ni Maja na pumatok sa mga manonood ay ang “Wildflower” na kanyang pinagbibidahan.

Image Credit via Google

Nakakamangha nga naman ang ganda ng sasakyan ng mga celebrity na ito, pero nakakalula rin ang presyo ng mga ito.Pero para sa kanilang mga tagahanga at kapamilya ay deserve ng mga sikat na ito ang magkaroon ng mga ganito kaganda at kamahal na sasakyan, kapalit ng kanilang pagtatrabaho para mabigyan ng maayos na pamumuhay ang kanilang pamilya.

2. Rodjun Cruz – Sa isang larawan naman na ibinahagi ni Rodjun ay makikita ang kanyang sasakyan na isang Mitsubishi Montero Sport Gt, ito ay nagkakahalaga ng P2 million.

Image Credit via Google

3. Ruru Madrid – Taong 2017 naman ng bilhin ng aktor ang kanyang Jac Sunray luxury na nagkakahalaga lang naman ng P2.2 million.

Image Credit via Google

4. Ronnie Alonte – Siya ay kabilang sa grupong hashtag, kung saan ito ay binubuo ng mga nag gagwapuhang kalalakihan. Isa namang Toyota 86 model 2016 ang pagmamay-ari ni Ronnie. Ang sasakyang ito ay may halaga na P1.9 million.

Image Credit via Google

5. Ella Cruz –  Bumilib naman ang kanyang mga tagahanga dahil sa kanyang batang-edad ay meron na siyang 2016 Jeep Wrangler na nagkakahalaga ng P2 million.

Image Credit via Google

6. Alden Richards – Sa kanyang kasikatan, at dami ng proyekto na kanyang nagawa ay hindi na nga naging imposible para kay Alden ang makabili at mag may-ari ng mamahaling sasakyan. Ngayon ay meron siyang sasakyan na nagkakahalaga ng P1.6 million-P3.8 million, ito ay ang kanyang Jaguar Vehicle.

Image Credit via Google

5. Barbie Forteza – Ayon sa isang pahayag ay nakabili na ang batang aktres ng Toyota Fortuner noong 2016, at ito ay nagkakahalaga ng P1.3 million.




Marami ang mga tagahanga ni Barbie ang humanga sa kanya, dahil sa kanyang batang edad ay nagawa na niyang nakapag pundar ng sarili niyang sasakyan.

Image Credit via Google

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *