Silipin Ang Mga Mamahaling Koleksiyon Ng Sasakyan Ng Ating Pambansang Kamao Na Si Manny Pacquiao

Isang simpleng tao, laki sa hirap at nakaranas ng isang-kahig isang tukang pamumuhay, yan ang buhay ni Manny noong siya ay hindi pa tanyag sa larangan ng boxing.




Ngunit dahil sa determinasyon, at lakas ng loob ay pinatunayan ni Manny ang kanyang galing sa boxing, hindi lang dito sa ating bansa kundi sa buong mundo. Siya din ay isa sa mga nahalal na senador at nagbukas din ng pintuan sa kanya ang industriya ng showbiz kung saan siya ay naging isang aktor.

Image Credit via Google

Sa dami ng natamo niyang tagumpay siya ay binansagang “Fighter of the Decade” at kilala sa bansag na PACMAN.

Image Credit via Google

Ang nag-iisang kampeon ng masang Pilipino. Naging mabilis ang pag-asenso ng buhay ni Manny, kasing bilis ng mga kamao niya na sumusuntok sa bawat kalaban na napapabagsak niya sa kanyang mga naging laban.

At sa loob nga ng ilang taon na pakikipag babak-bakan sa loob ng boxing ring, ay marami ang humanga sa kakayahan ni Manny.

Image Credit via Google

Sa bawat panalo niya, ito ay ini-aalay niya sa ating bansa at sa kanyang pamilya na walang sawang sumusuporta sa kanya.

Ngayon nga ay napakalayo na ng narating sa buhay ni Manny Pacquiao, ilang naglalakihang mansion, mamahaling sasakyan at negosyo na nga ba ang kanyang naipundar.

Image Credit via Google

Ngunit kahit narating na ang rurok ng tagumpay at naka-aon na sa hirap ng buhay ay hindi pa rin nakalimot si Manny sa kanyang pinagmulan, buong-puso siyang nagbibigay ng tulong sa mga taong kapuspalad nating mga kababayan na nangangailangan.

Image Credit via Google

Kaya naman wag na tayo magtaka kung bakit tuloy-tuloy pa rin ang pagbuhos ng biyaya sa kanilang pamilya.Hindi rin nakakalimot si Manny at kanyang buong pamilya sa pagpapasalamat sa ating Amang-Lumikha sa lahat ng biyayang kanilang natanggap at matatanggap pa.

Image Credit via Google

Dahil naman sa tagumpay na kanyang natanggap, nayon nga ay kayang-kaya na ni Manny ang bumili at pagkolekta ng mamahaling sasakyan. Ang ilan sa kanyang mga mamahaling sa sasakyan ay ang:

Image Credit via Google

Mitsubishi Pajero – ang pinakaunang sasakyan na kanyang naipundar.
Ferrari 458 Italia – isa sa mga paboritong sasakyan ng mga sikat na celebrity, kabilang ditto ang sikat na Canadian Superstar na si Justin Bieber.




Lincoln Navigator – ito ay isa sa mga mamahaling sasakyan ng SUV, isa ito sa madalas makita ang gamit ni Manny sa kanyang mga ensayo . Namangha ang mga netizens sa mga mamahaling sasakyan na ito ni Manny.

Kapag sipag at tiyaga nga ang iyong ginawa, at samahan pa ng panalangin ay hindi imposible na umangat at maging matagumpay sa buhay, patunay lamang nito ang buhay ng ating Pambansang Kamao na si Manny “PACMAN” Pacquiao.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *