Silipin Ang Mga Naggagandahang Flower Arrangement Ng Aktres Na Si Nadine Lustre

Sa panahon ng krisis na kinakaharap ng ating bansa ngayon, ay talaga namang marami na sa ating mga kababayan ang nakapag-isip na ng mga bagong diskarte sa kanilang buhay, upang mas magkaroon pa sila ng iba pang source of income.



Maging mga celebrity ngayon, ay talaga namang nararamdaman rin ang krisis, kaya naman marami na rin sa kanila ang nag-isip kung anong mga diskarte ang kanilang gagawin upang kumita ng ekstra habang naka-quarantine.
Photo Credit: nadine/Instagram
Isa na nga sa mga madiskarteng celebrity ngayon, ay ang actress, model at endorser na si Nadine Lustre.
Photo Credit: nadine/Instagram
Ayon nga sa naging ulat ng ABS-CBN, nahihilig ngayon si Nadine Lustre sa pag-aarrange ng mga bulaklak. At ayon nga sa aktres sa panahon ng quarantine ay ito ng kanyang naging libangan,
Photo Credit: nadine/Instagram
at maliban nga sa nalilibang siya sap ag-arrange ng mga magagandang bulaklak, ay isa na rin ito ngayon sa kanyang mga source of extra income. Ito ay dahil ang kanyang mga flowers arrangement ay binebenta na rin online, at ito ay makikita sa Instagram account na @ms.bettyblooms.
Photo Credit: nadine/Instagram
Makikita nga sa Instagram post ni Nadine, ang mga naggagandahang flower arrangement na siya mismo ang gumawa. Ipinakita rin ni Nadine, ang mga vases na gawa sa mga PU foam, na ginagamit niya kapag siya ay nag-aarrange ng mga bulaklak.
Photo Credit: nadine/Instagram
Samantala, isa naman si Nadine ngayon sa mga endorser ng isang popular na swimwear brand, at ito nga ay H&M swimwear, kung saan ay kasama niya sa proyektong ito ang isa rin sa mga popular na aktres sa showbiz na si Maja Salvador.
Photo Credit: nadine/Instagram



Noong nakaraang taon na naman ay palatandaan na ini-launch ni Nadine Lustre ang kanyang perfume brand na “Luster”, at taong 2018 naman ng makipag-collaborate ang aktres sa make-up brand na BYS Cosmetics.
Photo Credit: nadine/Instagram
Batid natin na si Nadine ay artist ng ABS-CBN network, ngunit sa kasalukuyan, ay wala pang naging pahayag ang aktres, sa kung ano ang magiging plano niya pagdating sa kanyang career bilang isang artista, ito nga ay matapos ang naging pag-shut down ng ABS-CBN.
Photo Credit: nadine/Instagram
Sa pagbisita naman sa Instagram account ni Nadine, ay makikita ang mga flower arrangement na kanyang likha, na talaga namang magaganda at nagpapakita ang tinatagong talento ng aktres.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *