Silipin Ang Mga Naipundar Ng PBB Big Winner Na Si Yam Yam Gucong Matapos Ang Kanyang Pagkapanalo Sa PBB

Ang Pinoy Big Brother (PBB) ay isang reality show ng ABS-CBN na talaga namang isa sa mga pinipilahan ng mga kababayan nating nais sumubok na makapasok sa industriya ng showbiz.

Photo Credit: gucongyamyam/Instagram




Isa nga naman ito sa daan upang ikaw ay makilala sa industriya sapagkat kapag ikaw ang itinanghal na Big Winner sa reality show na ito maliban sa premyo na malaking halagang matatanggap mo ay maraming pintuan ang maaring magbukas para sa iyo.

Photo Credit: gucongyamyam/Instagram

Kaya’t sa tuwing magbubukas ang Bahay ni Kuya (PBB Big Brother House) ng audition para sa mga nais maging housemates nito ay talaga namang milyon-milyon nating mga kababayan ang nagtatyagang pumila rito.

Photo Credit: gucongyamyam/Instagram

Isa nga sa mga hindi sumuko at nagtyaga na pumila upang makapasok sa PBB House ay si Yam Yam Gucong, iIsang binatilyong nagmula pa sa Inabanga, Bohol. Bitbit ang kanyang determinasyon na maiahon sa kahirapan ang kanyang pamilya ay hindi sinukuan ni Yamyam ang pumila upang makapag audition sa PBB.

Photo Credit: gucongyamyam/Instagram

At dahil nga sa kanyang tiyaga ay isa siya sa mga maswerteng napili sa audition upang maging isa sa mga housemate’s ng Pinoy Big Brother House.

Dahil sa kanyang pagpapakatotoo sa loob ng PBB house ay marami ang bumilib at humanga kay Yamyam kaya’t sa pagtatapos ng reality show ay siya ang itinanghal na PBB Big Winner ng Adult Edition.

Photo Credit: gucongyamyam/Instagram

Hindi nga lubos maisip ng binatang nagmula sa probinsya, ng galing sa mahirap na pamilya, nagtatrabaho sa isang construction at naging delivery boy na ang kanyang pangarap ay matutupad na at ito nga ay ang iahon sa kahirapan ang kanyang pamilya.




Ngayon ng matapos ang isang taon ng tanghalin bilang PBB Big Winner at magbukas ang maraming oportunidad kay Yamyam ay ibang-iba na ang pamumuhay ng binata at ang kanyang pamilya sa buhay na meron sila noon.

Maliban sa naging isa ng artista si Yamyam, ay nakapag pundar na rin ang binata ng negosyo na para kanyang pamilya. Isang negosyong bakeshop ang itinayo ni Yamyam sa kanilang probinsya sa Bohol at ito ay pinangalan niyang “Yamito’s Bakeshop – Tinapay ng Big Winner” na unti-unting lumalaki at maaaring magkaroon ng branch ng lungsod ng Maynila.

Para nga kay Yamyam ang lahat ng pagpapala na kanyang natatanggap at tinatamasa ngayon ay inilalaan niya sa kanyang minamahal na pamilya. “Kasi kusa ko itong ginagawa, kasi ganito ko sila kamahal.

At saka ayoko silang makita na gaya ng dati na mahihirapan o makita ko silang umiiyak dahil sa gutom.”, saad ng binata sa isa niyang pahaya. Hindi nga lamang isang negosyo ang naipundar ni Yamyam, dahil nakabili na rin ang binata ng bagong sasakyan na ayon sa kanya ay para naman sa kanyang ama.

Sa lahat ng mga pangarap na natupad at nakamit na ni Yamyam, ay may isa pa siyang pangarap na nais tuparin at ito ay ang makabalik sa eskwela upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral at makapagtapos sa kolehiyo.

“Sana mag-aaral ako this year, pero maraming pumapasok na raket e, yung blessings. So kung babalansehin ko, parang mahirap siya. So siguro next school year.”
Marami naman sa mga tagahanga ni Yamyam ang bumilib at nagpaabot ng mensahe para sa binata.

Narito ang ilan sa mga mensahe ng mga netizens para kay Yamyam;“mila cuevas delacruz love you always Yamyam.., God bless you more and more mwah,,,

“browns usa timtim We love you #yamyamgucong nandito lang kami yam sumusuporta sayo hanggang dulo (heart emoji, smiley)” “irish greece 3030 goodluck, and always pray to God.”




Hindi na nga matatawaran ang mga biyayang dumarating sa buhay ni Yamyam Gucong, ang pagmamahal niya sa kanyang pamilya ay isa sa mga kahanga-hanga sa binata dahil ito ang nagdala sa kanya sa tagumpay at kung nasaan man siya ngayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *