Silipin Ang Mga Nakakatuwang Throwback Photos Ni Manny Pacquiao

Ang bawat isa sa atin ay hindi perpekto ang takbo ng pamumuhay. Lahat tayo ay dumaraan sa mga pagsubok, kalbaryo at hirap na sadyang parte na ng buhay ng isang tao. Maraming sa atin lalo’t higit sa ating mga kababayan ang mga naghihirap pero sila’y patuloy pa rin sa kanilang buhay at hindi nawawalan ng pag-asa na balang araw ay magiging maayos at maunlad din sila.

Photo Credit: mannypacquiao/Instagram




Hindi naman imposible na matupad ang pangarap na pag-unlad dahil marami na tayong mga kilalang personalidad sa industriya o kahit ating mga kilalang tao ang tunghayan natin ang pamumuhay na nagmula sa hirap ngunit umasenso at gumanda ang buhay dahil sa pagsisikap at determinasyon.

Photo Credit: mannypacquiao/Instagram

Isa sa mga nakabibilib na kwento ng buhay ay ang isa sa ating mga kilalang personalidad sa lipunan na si Pambansang Kamao at Senador Manny Pacquiao o mas kilala sa kanyang tunay na pangalan Emmanuel Dapidran Pacquiao .

Photo Credit: mannypacquiao/Instagram

Bilang isang Pilipino na may layuning ipaglaban ang bayan at bigyan ito ng karangalan ay nakilala si Manny Pacquiao sa buong Mundo bilang isa sa pinakamagaling na boksingero.

Photo Credit: mannypacquiao/Instagram

Ang kwento ng buhay ni Manny Pacquiao ay hindi na nga bago sa atin dahil alam nating lahat na siya ay nagmula sa mahirap na pamilya sa Bukidnon kung saan siya ay pang-apat sa anim na magkakapatid.

Photo Credit: mannypacquiao/Instagram

Ang mga magulang niya ay naghiwalay dala na rin siguro ng kahirapan kaya upang makatulong sa pamilyang naghihirap ay maagang sumabak sa pagtatrabaho si Manny hanggang sa siya ay maging kalahok sa isang palaro ng boxing sa kanilang lugar at dito nga siya nadiskubre dahil sa kanyang galing sa pag boksing.

Hindi naman inakala ng mga magulang ni Manny na ito pala ang mag-aahon sa kanila sa kahirapan, na ang pag boboksing nito ang magbibigay sa kanila ng magandang buhay. Dugo’t pawis at pananampalatay ang laging iniaalay ni Manny sa tuwing siya ay may laban kaya’t ang tagumpay ay hindi naging mailap sa kanya at ang kanyang karera bilang isang boksingero ay talagang umusbong.

Bago pa man maging isang kilalang boksingero si Manny ay nakapag-asawa na siya at ito nga ay ang kanyang may-bahay ngayon na si Jinkee Pacquiao na kanyang naging katuwang at kasama kapag siya ay may laban sa boxing.

Kasabay ng pag-usbong ng karera ni Manny sa larangan ng boxing ay ang paglaki din ng kanyang pamilya dahil sila ng kanyang asawa ay biniyayaan na ng limang anak na sina Jimuel, Michael Stephen, Princess, Queenie at si Israel.

Samantala noong nakaraan lamang ay muling ibinahagi ni Manny Pacquiao sa kanyang Instagram account ang kanyang mga lumang litrato na kung saan ay makikita sa mga larawan ang bata pang Manny na nag-eensayo sa boxing. Mayroon ding larawang makikita na nakangiti si Manny at may suot siyang red belt na tanda ng kanyang pagkapanalo.

Sa pagbabahagi ni Manny ng kanyang mga lumang larawan ay muling nanumbalik sa kanyang mga tagahanga ang naging pagsisikap ng kanilang iniidolong boksingero upang marating ang magandang pamumuhay na nararanasan ng pamilya nito ngayon.




Ang buhay nga ni Manny ay isang patunay na laging may pag-asang umasenso sa kahirapan basta’t samahan lamang ito ng sipag, tyaga, determinasyon at syempre ang pinakamahalaga ay pananampalataya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *