Silipin Ang Mga Tattoos Ni Kuya Kim Atienza At Alamin Ang Mga Kahulugan Nito

Si Kim Atienza o Kuya Kim, ay kilala bilang isa sa mga pinakamatalinong TV personalities dito sa ating bansa. Mas nakilala siya ng publiko, dahil sa mga pagbibigay niya ng trivia, noong siya ay kabilang pa sa mga host ng noontime show na “It’s Showtime.”



Maliban sa pagiging isang dating host, ay isang weather newscaster rin si Kuya Kim sa TV Patrol, kung saan minsan ay ibinabahagi rin niya dito ang mga hindi natin inaakalang nag-eexist pala na mga species.
Image Credit via YouTube
Samantala, alam niyo ba na mayroon palang hilig sa tattoo si Kuya Kim at ang kanyang ang mga tattoo ay makikita sa kanyang magkabilang braso, kung saan marami nga sa atin ang hindi nakakaranas nito kapag siya ay ating napapanood.
Image Credit via YouTube
Isa din si Kuya Kim, ngayon sa mga personalidad na mayroon na ring YouTube channel, kung saan kahit baguhan pa lamang sa mundo ng vlogging ay mayroon na siyang 13k na mga subscribers at 2 entry na videos.
Image Credit via YouTube
Sa kanyang vlog, ay ipinakita ni Kuya Kim Atienza, sa kanyang mga subscribers at tagahanga, ang kanyang mga tattoo sa magkabila niyang mga braso, at sinabi rin niya kung ano ang mga ibig sabihin ng mga ito.
Image Credit via YouTube
Sa bago ngang vlog na ini-upload ni Kuya Kim ay makikita ang kanyang pagpapalagay ng bagong mga tattoo, at ito ay gawa ng tattoo artists na si Jay Contreras. Ang mga tattoo nga na ito ni Kuya Kim, ay parehong mga verses mula sa bibliya.
Image Credit via YouTube
Ang unang tattoo ay, “My strength is made perfect in your weakness.” At ang ikalawa naman ay, “My grace is sufficient for you.”
Image Credit via YouTube
Ayon nga kay Kuya Kim, maliban sa kanyang bagong tattoo, ay mayroon na rin siyang mga dati pang tattoo, kung saan ang old tattoo artist na si Wang Od, naman ang may gawa.
Image Credit via YouTube
Bago nga matapos ang video vlog ni Kuya Kim, ay pinakita niya rin ang iba pa niyang mga tattoo, tulad nga ng birthdates ng kanyang mga anak, pangalan nilang mag-asawa at ang petsa ng anibersaryo ng kanilang kasal.



Mayroon mga “tattoos inspired by the bible” rin si Kuya Kim, at ito nga ay ang kanyang tattoo na Alpha Omega, Jesus Christ as a Fish, 9 Fruits of the Holy Spirits at ilang mga Latin words.
Video Credit: kim atienza/YouTube
https://www.youtube.com/watch?v=I3LUs9igNM0&feature=emb_logo
Para umano kay Kuya Kim, ang mga tattoo niyang ito ay nagbibigay inspirasyon sa kanya sa tuwing nakikita o binabago niya ang mga ito. Ano ang masasabi niyo sa mga tattoo ni Kuya Kim? Isa rin ba kayo sa mga nahihilig sa tattoo?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *