Silipin Ang Miranda Rest House Ng Mag Asawang Chito Miranda At Neri Naig

Ang mag-asawang Chito Miranda, at Neri Naig ay isa sa pinaka hinahangaan mag-asawa ngayon, hindi lang ng kanilang mga kapwa artista kundi maging ng mga madla.



Masasabi nga natin na “couple goals” talaga ang mag-asawang ito, dahil hindi lang basta ang tamis ng kanilang pagsasama ang kahanga-hanga sa kanila, kundi maging ang sabay nilang naging tagumpay sa pagtupad ng kanilang mga pangarap dahil sa suporta at tiwala na ipinagkakaloob nila sa bawat isa.
Image Credit via YouTube
Si Neri Miranda, ay isang kilalang businesswoman na ngayon at isa sa mga madiskarteng misis na naging inspirasyon ng maraming mga kababaihan , ito ay dahil sa kabila ng pagiging hands-on niya sa kanyang pamilya, ay ginagawa pa rin niya ng kumita ng sarili niyang pera, dahil sa pagkakaroon niya ng iba’t ibang negosyo.
Image Credit via YouTube
Bilang isang asawa naman ni Neri, ay marami rin ang humahanga kay Chito Miranda, dahil sa bawat pangarap ng kanyang asawa, ay lagi itong naka-agapay at nakasuporta rito
Ilang beses na ngang ibinahagi ni Chito Miranda,
Image Credit via YouTube
kung gaano siya ka-proud sa kanyang misis, dahil sa bukod sa madiskarte ito, ay alam rin nito kung ano ang mga importanteng bagay na kinakailangan paglaanan ng perang kinita nito.
Image Credit via YouTube
Sa YouTube Channel ni Chito, ay na tampok na nito ang ilan sa mga negosyo na pinag kaka-abalahan ng kanyang asawang si Neri, at ngayon nga ay mayroon muling negosyo ang mag-asawa, at ito nga ay isang Rest House na matatagpuan sa Alfonso, Cavite at tinawag nila itong “Miranda Rest House.”
Image Credit via YouTube
Matatandaan na noong ika-27 ng Enero 2020, ay una ng ibinahagi ni Chito sa kanyang vlog ang naging pagbisita nila sa kanilang rest house, kung saan ng mga panahong iyon ay kasalukuyan pa lamang itong “under construction”, at hindi pa nga natapos dahil sa natigil ang pagpapa trabaho nito, ng pumutok ang Bulkang Taal.
Image Credit via YouTube
Ibinahagi naman ni Chito, na ang ideya ng pagbili ng lupa, upang gawin itong rest house ay mula sa kanyang asawang si Neri.
Image Credit via YouTube
Ayon pa nga kay Chito, ang Miranda Rest House, ang kauna-unahang joint project nilang mag-asawa, ito ay dahil sa 50-50 sila sa naging pagpapatayo nito. At dahil sa nakita niya sa asawang si Neri, kung gaano ito naging matagumpay sa mga pinasok nitong negosyo, at sa maayos itong humawak ng pera, ay hindi na nagdalawang isip pa si Chito na sumugal muli sa negosyo kasosyo ang kanyang asawa.
Image Credit via YouTube
Dagdag pa nga ni Chito, may kanya-kanya silang negosyo ng kanyang asawang si Neri, ito ay upang hindi magulo ang set-up ng kanilang pamamahala. Ibinahagi rin niya, na kahit silang dalawa ay mag-asawa ay mayroon silang kanya-kanyang pera.
Ayon pa nga kay Chito, hindi siya pinapakialaman ang pera ng kanyang asawa, ngunit ang pera niya ay ibinigay niya rito para sa kanilang pamilya. “Her money is her money; my money is our money.”
Makikita naman sa rest house na pagmamay-ari ng mag-asawa, na napakarelaksing nga naman talaga nito. Kahit hindi pa nga ito ganoon katapos, ay taglay na nito ang napakagandang mga tanawin, na siyang mag-aanyaya sa mga tao, na bisitahin ito.
Maliban nga sa pagkakaroon ng Miranda’s Rest House ng swimming pool, ay mayroon rin itong basketball court sa may parking area, tree house, playground, picnic tables, fire pit at may malawak rin itong pavilion.
Ngayon nga, ay makikita sa Instagram post ng mag-asawang Chito at Neri, ang kanilang pagbibigay updates sa kanilang bagong negosyo, kung saan base sa mga bagong post ng mag-asawa ay nalalapit na itong matapos, at handa na umano itong maging bahay bakasyunan para sa mga taong naghahanap ng lugar kung saan sila makakapag-relax at enjoy, habang nagbabakasyon.



Muli nga namang pinatunayan ng mag-asawang Chito at Neri, ang pagiging suportado nila sa isa’t isa. Hindi nga maikakaila na sa dami ng tagumpay na nakamit ni Neri sa buhay niya ngayon sa mundo ng pagnenegosyo, ay masasabi nga natin na isa siyang kahanga-hangang misis na napakadiskarte at wais.
Video Credit: chito miranda/YouTube
https://www.youtube.com/watch?v=f26hYCHE-6I&feature=emb_logo
Patunay din ito na sa likod ng tagumpay ng isang misis, ay mayroong napaka-supportive na mister, at isa na rito ay si Chito Miranda. Ano ang masasabi niyo, sa bagong negosyo na ito ng mag-asawa? Mapapa-Sana All na lang talaga ang marami dahil sa kanilang “couple goals.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *