Silipin Ang Modern Asian Style House Kung Saan Naninirahan Ang Magkapatid Na Kobe At Andre Paras

Marami na nga tayong mga nasilip na tahanan ng mga sikat na artista dito sa ating bansa, kaya naman ngayon ay isa na namang magandang tahanan ng sika tang ating sisilipin.




Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa dalawang gwapong magkapatid na Kobe at Andre Paras, sila lang naman ang mga nag-gagwapuhang anak ng sikat na basketbolista at komedyanteng na si Benjie Paras sa dating aktres na si Jackie Foster na ngayon ay naninirahan na sa Amerika.

Image Credit via Google

Isa na rin sa mga sikat at popular na modelo at basketbolista ngayon si Kobe Paras, samantalang abala naman bilang isang aktor, modelo at paminsan-minsan ay nagbabasketball din si Andre Paras.

Image Credit via Google

Naninirahan ang magkapatid kasama ang kanyang ama at asawa nito ngayon na si Lyxen sa isang 400 sqm house and lot na matatagpuan sa Pasig. Isa itong tatlong palapag na bahay na ang estilo ay tila isang modernong Asian house, na talaga namang sa labas pa lamang ay kaaya-aya na ang ganda at tanawin.

Image Credit via Google

Ayon nga kay Benjie Paras ay talagang pinaghirapan nila ng kanyang asawa na si Lyxen na ipundar ang bahay na ito, upang ang kinalabasan nito ay isang magandang tahanan na kanilang pinapangarap. Ang iba nga umano sa ibang disenyo nito ay nakuha ng kanyang asawa sa mga magazine, at sa paborito nitong TV show Fixer Upper.

Image Credit via Google

Matatandaan na ipinakita na noon sa YES Magazine ang tahanan na ito ng mga Paras.
“Yung wife ko kasi , we’d always watch HGTV, and then titingin sa magazines. Tapos nag cacanvas kami, kasi yung iba mahal. Ang kukunin namin yung mirror image ng gusto naming na furniture.” Saad ni Benjie noon sa isang panayam sa kanya.

Image Credit via Google

Makikita nga ang tahanan ng mga Paras, na ang kulay ng pintura nito ay halos karamihan ay puti o off white ngunit napapalibutan naman ito ng mga malilit na punong kahoy at luntiang halaman na nagbibigay ng sariwa at malamig na hangin dito.

Image Credit via Google

Ibinahagi rin ni Benjie na madalas din siya nagpapa re-paint ng kanilang tahanan upang ma-maintain ang magandang kulay nito. “Very light lang, parang off white. Ang mahirap lang pag off white sa labas, parang every how many years kailangan mong i-repaint.

Image Credit via Google

Makikita nga sa mga larawan na kuha sa tahanan ng mga Paras, ay ang isang malawak na living room kung saan ay mayroong L-shape sofa, blue high back chair at ang kanilang malaking TV flat screen kaya namang talagang bagay na bagay ito kapag nais magsama-sama ng pamilya lalo na kung sila ay nagmo-movie nights.

Image Credit via Google

Halos ilang hakbang naman mula sa living room ay masisilayan ang tinatawag ng pamilya na white room, dahil sa halos lahat ng makikita rito kagamitan man o pader ay nakukulayan nga naman ng puti. Ayon kay Benjie bagay na bagay ang silid na ito para sa mga bisita nila na nais ng isang tahimik na lugar, o kaya naman ay nais magbasa ng mga aklat.

Mayroon ding isang parte ng kanilang tahanan ang tinatawag ni Benjie na man cave, makikita dito ang isang big shelf kung saan naman idine-display niya ang kanyang mga trophies at awards bilang isang basketbolista.

Ipinarenovate na rin umano nila ang tahanan nilang ito noong 2015. Ang isang bare space dito ay ginawa bilang isang malawak na dining area na may 12-seater dining table, mataas na ceilings at ang palibot nga nito ay mga glass doors kaya naman tanaw na tanaw mula sa hapag-kainan ang magagandang tanawin sa labas.

Hindi rin naman magpahuli sa ganda ang kanilang kitchen area dahil sa lawak at modernong disenyo rin nito na ginamitan ng tiled wall at kombinasyon ng kulay na black and white.




Ang mga bedroom naman ay binigyan ng disenyo na nauukol sa kagustohan at hilig ng kanilang mga anak, samantalang napakalinis at moderno naman ng mga bathroom dahil sa high-end toilet bowl na ginamit dito at ang mga dingding ay mga marble ang ginawang disenyo.

Isa nga namang magandang tahanan ang muli nating nasilip, kaya naman nagkaroon na naman ang marami sa atin ng mga bagong ideya na maari nating gawing disenyo o tema sa ating mga tahanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *