Silipin Ang Moderno At Maaliwalas Na Tahanan Ng Aktres Na Si Gabbi Garcia

Si Gabbi Garcia ay isa sa mga Kapuso actress-singer na talaga namang hinahangaan ng maraming mga netizens dahil sa pagkakaroon niya ng natural na ganda ng isang Pinay.



Ngunit maliban sa pagiging isang mahusay na aktres at singer, ay may isa pa ring pinagkakaabalahan ngayon si Gabbi, at ito ay ang pagiging isang YouTuber.
Image Credit via Google
Dahil marami sa kanyang mga tagahanga, ang matagal ng nagre-request na sana’y ipasilip niya ang kanyang tahanan, kung kaya naman upang pagbigyan ang mga ito ay naging tampok ni Gabbi sa kanyang latest vlog ang house tour sa kanyang bahay.
Image Credit via Google
Unang ipinakita ni Gabbi sa kanyang house tour vlog, ang labas ng kanilang tahanan na kung saan ay nakikita nga ang pagkakaroon nito ng simpleng disenyo. Makikita rin ang isang DIY parking, na ayon sa aktres ay ang kanyang ama ang nagpagawa para sa kanyang van.
Image Credit via Google
Narito pa nga ang ilan sa mga bahagi ng tahanan ng aktres, na talaga namang nakakamangha ang ganda;
FOYER
Image Credit via YouTube
Pagpasok ng pinto ng tahanan ng aktres, ay agad bubungad ang foyer. Dito ay kapansin-pansin ang shell theme nito, magmula sa upuan aat maging ang tulugan ng kanyang alaga. Mayroon ding mga ilang shell na makikitang nakadisplay rito.
DINING AREA
Image Credit via YouTube
Ayon kay Gabbi, ang kanilang dining area ay isa sa talagang pinagkakagastusan nila dahil sa ang kanilang table ay talaga namang solidong kahoy. Mapapansin ang pagkakaroon ng tropical glam theme sa dakong ito ng tahanan ng aktres.
BAR AREA
Image Credit via YouTube
Mayroon ding bar area sa tahanan nina Gabbi, kung saan sa bahaging ito ng kanilang tahanan nakadisplay ang ilang mga koleksiyon ng mga alak, na ang iba ay iniregalo at ibinigay lamang, ayon sa aktres.
LIVING ROOM
Image Credit via YouTube
Isang paikot na sofa naman ang makikita sa maaliwalas na living room ng tahanan ni Gabbi, na kung saan ay maaari itong maupuan ng sampung katao. Makikita rin sa gilid nito ang paboritong halaman ng aktres.
POWDER ROOM
Image Credit via YouTube
Nakapa-elegante rin naman ng powder room ng tahanan na ito, dahil sa napakagandang chandelier na makikita rito. Napakalinis at organized rin ng mga kagamitan sa loob nito.
MAN CAVE
Image Credit via YouTube
Ipinakita rin ng Kapuso actress ang man cave ng kanyang ama, kung saan ay doon makikita ang mga motorcycle collections nito.
Video Credit: YouTube/Gabbi Garcia
https://www.youtube.com/watch?v=RREQuA8qaVc



Bago naman matapos ang house tour vlog ni Gabbi Garcia, ay sinabi nito na sa kanyang susunod na vlog ay ipapakita naman niya ang kanyang walk-in closet, kaya naman abangan ang susunod na vlog ng aktres.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *