Silipin Ang Modernong Mansiyon Sa Antipolo Na Bunga Ng Pagsisikap Ni Paolo Ballesteros

Ang 36-taong gulang na si Paolo Ballesteros ay isang kilalang Pinoy aktor, TV host, model at impersonator dito sa ating bansa. Siya ay isinilang noong November 29, 1982 sa Cabanatuan City, Nueva Ecija kung saan siya ay kilala sa kanyang tunay na pangalan na Paolo Elito Macapagal Ballesteros IV.

Image Credit via Google




Tiyahin din ng nasabing aktor ang beteranang aktres na si Eula Valdez at apo din siya ng sikat na Pilipinong Pintor na si Fernando Amorsolo. Nagsimulang makilala si Paolo sa industriya ng showbiz taong 2001 ng siya ay nagsimula bilang segment host sa noontime show na Eat Bulaga ng GMA Network.

Image Credit via Google

Sa segment na All for Juan, Juan for All ng Eat Bulaga naging regular na host si Paolo at kadalasan ay sina Wally Bayola at Jose Manalo ang nakakasama niya sa nasabing segment.

Image Credit via Google

Matatandaan na taong 2016 ng mas maging kilala pa at magniningning pa lalo ang bituin ni Paolo bilang aktor ng ipakita niya ang kanyang hindi matatawaran galing sa pag-arte sa isa sa pinakamalaking pelikula noon na “Die Beautiful”.

Image Credit via Google

Dahil sa angking galing sa pag-ganap ng kanyang karakter sa nasabing pelikula ay ilang beses ginawaran ng parangal ang aktor. Ilan sa mga parangal na kanyang natanggap ay Best Actor Award na iginawad sa kanya noong 29th Tokyo International Film Festival at sa 42nd Metro Film Festival.

Image Credit via Google

Hindi lang nga ito ang mga parangal na natanggap ng aktor dahil noong 2017 ay isa rin siya sa mga Best Actor Award sa 15th Gawad Tanglaw Awards and 48 GMMF Box-Office Entertainment Award.

Image Credit via Google

Dahil nga sa tuloy-tuloy na naging maganda ang takbo ng karera bilang aktor at pagiging host ni Paolo ay hindi naging imposible sa actor/host na ipundar ang kanyang pinapangarap na tahanan.

Image Credit via Google

Matatandaan na noong 2018 ng lumipat ang aktor sa kanyang bagong gawang tahanan (ang kanyang dream house) na bunga ng kanyang pagsisikap sa trabaho. Ang malaman ng tahanan na ito ng aktor ay matatagpuan sa isang lugar sa Antipolo.

Image Credit via Google

Umabot din ng halos isang taon o lumagpas pa nga bago tuluyang natapos ang malaman ng tahanan na ito ng aktor ng kanyang mga inu kupang trabahador na mula sa construction firm na Electus Builders Co..

Image Credit via Google

Sa kanyang Instagram account ay nagbahagi ang aktor ng mga larawan upang ipasilip sa publiko ang loob ng kanyang naipundar na tahanan. May isang larawan na makikita ang pagbangon ng aktor mula sa kanyang higaan ay matatanaw agad niya ang napakaganda at pinakamalawak na tanawin ng Antipolo.

Ipinakita rin ng aktor sa isang larawan ang konting pasilip sa loob ng kanyang walk-in-closet na kung saan ay mamamangha ang sino mang makakakita dahil sa napakaganda at pinaka modernong disenyo nito. Sa labas naman ng bahay ni Paolo ay makikita ang kanyang rough-timber gate at ilang halaman na nakahiga ang itinanim sa gilid nito.




Ayon naman sa ilang artikulo, ilang mga kaibigan na ni Paolo. ang nagbigay ng kanilang congratulatory message upang pagbati para sa napakagandang tahanan ng aktor. Ilan nga sa mga kaibigan ng aktor na mula sa Kapamilya Network ang nagpaabot ng mensahe na congratulation ay ang komedyanteng si Pokwang na isa ring residente sa Antipolo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *