Silipin Ang Monochromatic Travel OOTD Ni Erich Gonzales Sa Japan

Sa paglipas ng panahon, nagkaroon na ng malaking pagbabago sa kultura ng mga Pilipino. Ilan sa mga ito ay ang ating mga nakakahiligang pagkain, lenggwahe, at pananamit. Sa pagbabago ng modernong teknolohiya, nagkaroon ng malaking impluwensiya ang paraan ng pananamit ng ibang bansa sa Pilipinas. Halo-halo na ang itsura ng pananamit na hango sa iba’t-ibang bansa katulad ng Amerika, Japan, Korea, at iba pa. Malaki ang naging epekto nito sa Pilipinas at karaniwan sa mga nagiging “icon” ng fashion ay ang mga kilalang artista.

Photo Credit: @erichgg/Instagram




Tumaas na rin ang antas ng pamumuhay ng mga Pilipino base sa kanilang pananamit at hindi katulad dati, mas binibigyan na nilang pansin ang kanilang pananamit at kabuuang anyo. May mga inaakmang mga damit ang mga tao sa bawat okasyon na kanilang dinadaluhan. Mapa Engrandeng okasyon man o sa simpleng pagpunta sa isang restaurant, mayroon silang kasuotang alam nilang babagay sa lugar na kanilang pupuntahan. Sa tuwing pupunta ng ibang bansa ang Pilipino, inaayon rin nila ang kanilang pananamit sa kultura ng lugar na kanilang pupuntahan.

Photo Credit: @erichgg/Instagram

At nito nga lamang ay ipinamalas ng aktres na si Erich Gonzales ang kaniyang OOTDs nang siya’y pumunta sa Japan na talaga namang umagaw ng atensyon ng maraming netizens.
Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, nagbahagi si Erich ng litrato kung saan makikita ang aktres na dalang-dala ang simple ngunit magandang terno ng damit. Bumagay sa kulay ng balat ni Erich ang kanyang suot na terno na kulay Beige. Gamit ang kanyang Louis Vuitton Pochette Felicie, talagang nagniningning si Erich habang nag-enjoy sa pamosong Cafe Kitsune sa Tokyo, Japan.

Sa isang litrato namang ibinahagi ni Erich, tila isang “cool” na prinsesa ang datingan ng aktres sa kanyang suot na itim na bestida na tinernohan niya ng puting rubber shoes. Umangay rin ang berdeng paligid ng Shibuya sa kanyang pang kabuuang anyo.
Bagama’t may mga nagsasabing hindi natin matutukoy ang estado ng isang tao base sa kanilang kasuotan, hindi naman natin maipagkakaila na nagbibigay ito ng magandang impresyon sa mga makakakita.




 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *