Silipin Ang Naging Masayang Bakasyon Ni Jhong Hilario At Kanyang Pamilya Sa Boracay

Dalawang taon na rin halos ang matuling lumipas magmula ng tila huminto ang mundo natin dahil sa krisis, ito ay kung saan halos hindi nga nnatin magawa ang mga bagay na ating malayang nagagawa noon, katulad na lamang ng pagta-travel na talagang nahinto noong kasagsagan ng krisis sa halos lahat ng panig ng mundo.




Ngunit ngayon ng ana unti-unti ng bumabalik ang lahat sa normal, at hindi na nga gaanong mahigpit pagdating sa mga restriksyon sa pagta-travel ay marami sa atin ang talagang bakas ang pananabik na muling makapunta sa mga magaganda at nakakarelaks na destinasyon upang makapagbakasyon. At siyempre ilan sa mga celebrity at kanilang pamilya ang hindi nagpahuli na muling makapagbakasyon at makapunta sa mga paborito nilang pasyalan.

Image Credit via Google

Isa na nga sa mga ito ay ang It’s Showtime host at aktor na si Jhong Hilario, na kamakailan nga lamang ay nagbakasyon sa napakaganda at mala-paraisong isla ng Boracay kasama ang kanyang pamilya.

Image Credit via Google

Batid natin na ngayon ay marami sa mga celebrity ang mayroon ng mga sariling YouTube channel kung saan dito nila ini-a-upload ang mga kaganapan sa buhay nila na nais nilang ibahagi sa publiko. Kaya naman si Jhong ay hindi na rin nagpahuli, at opisyal na nga ring inihayag ang pagbubukas niya ng kanyang YouTube channel, kung saan ang kanyang kauna-unahan ngang ini-upload na video vlog ay ang naging bakasyon nila ng kanyang pamilya sa Boracay.

Image Credit via Google

Sakay ng Cebu Pacific, si Jhong at kanyang pamilya ay lumipad patungong Boracay at pagdating doon ay pansamantala silang nanuluyan sa The Auhana Hotel. Makikita na naging mainit ang pagtanggap ng hotel kay Jhong at sa kanyang pamilya.

Image Credit via Google

Masisilayan din kung gaano kaganda ang serbisyo ng hotel, dahil sa naglagay pa ang staff ng mga ito ng isang baby area para sa anak ni Jhong, kung saan naroroon ang isang maliit na baby tent na mayroog kutson at mga laruan na mapaglilibangan nito. Mayroon ding baby crib sa loob ng hotel room nina Jhong na pwedeng magamit ng anak niyang si Sarina.

Image Credit via Google

Ipinasilip pa ni Jhong sa kanyang vlog ang napakagandang hotel room nila, at kasunod nito ay sinunod na nga niyang ipasilip sa kanyang vlog ang mga aktibidad nila sa resort kung saan ilan nga sa mga ito ay ang naging paliligo nila sa dagat na nasa mismong harap lamang ng kanilang tinutuluyang hotel, at ang pagkain nila ng masasarap na pagkain lalo na ng fresh na mga seafoods.

Image Credit via Google

Samantala, isa naman sa mga talagang ikinatuwa ni Jhong sa resort na kanilang tinuluyan ay ang pag-promote ng resort ng Filipino culture, ito ay matapos ngang ma-enjoy ng aktor at ng pamilya niya ang panonood ang mga sumasayaw ng mga Pilipinong sayaw katulad na lamang ng Tinikling at marami pang iba. Mayroon din ngang nagfa-fire dancing sa nasabing resort na isa pa din sa kinalibangan na panuorin ni Jhong at ng kanyang pamilya.




Makikita nga sa vlog na ito ni Jhong kung gaano nag-enjoy ang kanyang pamilya, maging ang anak niyang si Sarina sa naging bakasyon nilang ito sa Boracay. Mapapansin din kung gaano ka-close at ka-hands-on si Jhong sa anak niyang si Sarina.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *