Silipin Ang Naging Pagdiriwang Ng Ika-17 Birthday Ni Jayda Ang Anak Nina Jessa Zaragoza At Dingdong Avanzado

Isa sa pinaka-importanteng okasyon sa buhay ng isang tao ay ang kaarawan o pag-celebrate ng araw ng kapanganakan, kaya naman marami sa atin ang talaga namang pinaghahandaan ang araw na ito.




May ilan na pinaghahandaan ito ng simple, may iba naman ng magarbo, ngunit ang mahalaga naman ay ipinagdiriwang ito ng maayos at masaya ng isang taong may kaarawan kasama ang kanyang buong pamilya.

Photo Credit: jessazaragoza/Instagram

Ang pagdiriwang din ng kaarawan, ay isa sa mga nagiging pasasalamat natin sa panibagong buhay, pag-asa, malusog na pangangatawan at masayang buhay na ipinagkaloob sa atin ng Poong Maykapal.

Photo Credit: jessazaragoza/Instagram

Ang anak nina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado, na si Jayda, ay nagdiwang ng kanyang kaarawan sa kabila ng pinagdaanan natin ngayon na takot dahil sa pandemic.

Photo Credit: jessazaragoza/Instagram

Isang simpleng selebrasyon ang naging paghahanda sa ika-17th birthday ni Jayda, at kahit wala ngang gaanong bisita ang nakadalo ay masaya ang dalaga dahil sa kabila ng sitwasyon natin ngayon ay kasama naman niya ang kanyang mga magulang, at buo ang kanilang pamilya sa araw na ito.

Photo Credit: jessazaragoza/Instagram

Nasorpresa nga naman si Jayda sa kanyang kaarawan noong June 1, dahil sa naging paghahanda ng kanyang pamilya para sa araw na ito. Sa kanyang Instagram account, ay ibinahagi ng dalaga ang ilang kaganapan at paghahanda sa kanyang kaarawan.

Photo Credit: jessazaragoza/Instagram

Makikita rin sa isang larawan, ang isang malaking stuff toy na tila isang regalong natanggap ni Jayda sa kanyang kaarawan.

Photo Credit: jessazaragoza/Instagram

“woke up to this amazing surprise! Thank you to my family, to bebe & lau, ninong Herbie and tito Bob for setting this up in the wee hours of morning just to really make me feel special on my birthday! y’all didn’t have to, especially with today’s circumstances, but you did, and for that I’m so grateful #qu@rantinebirthday #17.”




Isa si Jayda sa mga teen star ng ABS-CBN Network na itinuturing nitong kayamanan, dahil sa taglay nitong angking talento na minana niya sa kanyang mga magulang.

Photo Credit: jessazaragoza/Instagram

Swerte nga naman si Jayda sa kanyang mga magulang at pamilya na talaga namang mahal na mahal siya, at para nga sa mga ito ay deserve ng dalaga ang sorpresa ng inihandog nila para sa kaarawan nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *