Silipin Ang Naging Pagdiriwang Ng Kanyang Ika-3 Buwang Kaarawan Ng Baby Girl Ni Katrina Halili

Muli na naman ngang kinagiliwan ng mga netizens ang cute baby girl ng aktres na si Sheena Halili. Ito ay matapos ngang ibahagi ng Kapuso actress sa kanyang social media account ang mga super cute na larawan ni Baby Martina, sa naging pagdiriwang nito ng kanyang ika-3 buwang kaarawan.




Makikita nga sa social media account ni Sheena, ang naging pagbabahagi nito ng larawan ni Baby Martina, kung saan ay very cute nito sa kanyang pink baby outfit. Kalakip ng larawan ay ang naging caption ng celebrity mom na “3 months of unli-gigil.”

Photo Credit: mysheenahalili/Instagram

Hindi nga lamang si Sheena ang gigil na gigil sa kanyang cute at napakagandang baby girl, dahil maging mga netizens nga na nakakita ng mga larawan ng naturang sanggol, ay hindi rin naiwasan na magkomento kung gaano sila nanggigil sa kakyutan ng anak ng aktres.

Photo Credit: mysheenahalili/Instagram

Samantala, masasabi nga naman natin na talagang kay bilis lumipas ng panahon, dahil parang kailan lamang ng isinilang ni Sheena ang kanyang baby girl na si Martina, at ngayon nga ay tatlong buwan na ito, at makikita na rin ang pagiging aktibo nitong sanggol.

Photo Credit: mysheenahalili/Instagram

Sa isa pa ngang post ni Sheena, ay ipinakita naman niya ang isa pang cute na larawan ni baby Marina, na may caption naman na; “Anak, ako nalang mag-sleeping beauty kung okay lang? Kayang kaya ko yan! [laughing emoji].

Photo Credit: mysheenahalili/Instagram

Matatandaan na isinilang ni Sheena ang panganay nila ng asawa niyang si Jeron Manzareno na si baby Martina, noong ika-13 ng Disyembre taong 2020.

Photo Credit: mysheenahalili/Instagram

Kitang kita nga naman sa mga larawan na ibinahagi ni Sheena kung gaano siya ka-hands on na mommy kay babay Martina, kaya naman talagang puring-puri siya ng mga netizens sa pagiging isang mommy niya.

Photo Credit: mysheenahalili/Instagram




“I still love you Sheena Halili. Iba talaga kapag nanay na walang @rte na. Walang hiya hiya.. God bless you more idol ko…. “ “Proud of you idol ur beautiful momshie d nagbabagu ang ganda muparin at sexy. Pati si baby mo ang ganda like u.”

Ang iba namang netizens, ay ikinomento kung gaano sila aliw at gigil sa anak ni Sheena Halili.
“super duper cute, ganda ng mata ni baby, kagigil ” “Ang cute naman ng baby girl.. happy 3 month baby…”“Ang cute naman ng baby mo idol sheena.” Ang Kapuso actress na si Sheena Halili ay ikinasal sa kanyang asawang si Jeron Manzanero noong ika-23 ng Pebrero taong 2020.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *