Silipin Ang Naging Pasabog Ni Tuesday Vargas Sa Kanyang Birthday Photoshoot

Marami na sa ating mga kilalang artista sa showbiz, ang nagpatunay na “age is just a number”, dahil sa kabila ng kanilang dumadagdag nae dad, ay hindi naman ito nakikita o napapansin, dahil sa ang kanilang mga hitsura, kutis at maging ang hubog ng katawan, ay talaga namang tila hindi tumatanda o nagbabago man lang.




At isa nga sa mga ito, ay ang ang singer-comedian na si Tuesday Vargas, na kung saan sa kabila ng naging pagdiriwang niya ng ika-40 taong gulang na kaarawan, ay pinatunayan niya na sa edad na 40, ay kayang -kaya pa rin niyang makipagsabayan, kung maging hot at sexy ang pag-uusapan.

Photo Credit: tuesday_v/Instagram

Nito lamang nga ika-9 ng Nobyembre, araw ng Lunes, ay ipagdiwang ni Tuesday ang kanyang ika-40th birthday, kung saan ay sinabi niya na “Life begins at 40.”

Photo Credit: tuesday_v/Instagram

Sa naging pagdiriwang nga ng kaarawan ng singer-comedian ay nagkaroon ito, ng birthday photoshoot, kung saan ay talaga namang ibinida ni Tuesday na kahit siya’y nasa edad na 40 na ay hindi pa rin nawawala ang angkin niyang ganda at kaseksihan.

Photo Credit: tuesday_v/Instagram

Makikita nga sa Instagram account ni Tuesday, ang naging pagbabago niya ng kanyang mga nakakahangang larawan kung saan ay kuha ang mga ito, Nice Print Photography.

Photo Credit: tuesday_v/Instagram

Nagmala-reyna nga si Tuesday Vargas, sa kanyang isang larawan, kung saan ay kinuhaan siya habang siya ay nakaupo sa isang tronong upuan, habang suot suot ang isang itim na bistida at naka-pose na kita ang makikinis niyang mga hita, at braso na may mga tattoo.

Photo Credit: tuesday_v/Instagram

Marami pa nga sa mga kuhang larawan ni Tuesday noong kanyang kaarawan, ang ibinahagi ng singer-comedian sa kanyang IG account, kung saan ay talaga namang maraming mga netizens ang namangha, at napa-wow dahil sa naging napakaseksi, fresh at blooming niya sa bawat larawan.

Photo Credit: tuesday_v/Instagram

Samantala, nilakipan naman ni Tuesday ang ibinahagi niyang mga larawan ng kanyang caption, na nagsasabing, sa kanyang edad na 40, ay magsisimula pa lamang ang isang mas magandang buhay para sa kanya.

Photo Credit: tuesday_v/Instagram

“Forty isn’t old, if you are a tree. Life begin at 40 -but so do fallen arches, rheumatism, faulty eyesight, and the tendency to tell a story to the same person, three of four times..”

“But truly friends, age is a matter of feeling , not of years. I am simple grateful every day that I elected to place myself in a youthful fascination with the world and I feel happy and free. I look at things with hope and positive light because I have seen my fair share of darkness and despair.

Now, I look forward to each waking day, because I am finally in a good place. It’s as if I was handed a new hand and I am ready to bet myself again. “Cheers to everyone that contributed to the tapestry that is my my first 40 years. I raise my glass to 100 more colorful years! Thank you for all your warm birthday greetings. I appreciate each and everyone of them. Onwards and upwards! Aja!”

Base nga sa naging caption ni Tuesday sa mga larawan niya na kuha noong kanyang kaarawan na ibinahagi niya sa kanyang IG account, ay malaki ang kanyang pasasalamat, sa panibagong taon na ipinagkaloob sa kanya, upang patuloy na mabuhay ng positibo at payapa.




Mababago rin sa naging caption ng singer-comedian, na sayo na siya ay nasa 40-taong gulang na, ay mas lalo pa siyang naging handa, sa kung ano mang pagsubok ang maaaring dumating sa kanyang buhay.

Sa huling parte naman ng caption ni Tuesday, ay makikita ang kanyang naging pasasalamat sa lahat ng mga nakaka-alala na batiin siya sa kanyang kaarawan, at hiling niya lang umano sa kanyang kaarawan ay ang mas binigyan pa siya ng marami pang mga makukulay na taon, sa kanyang buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *