Silipin Ang Nakaka Relax Na Beach House Ni Gabby Concepcion Sa Probinsya Ng Batangas

Isa sa mga pangarap ng aktor na si Gabby Concepcion, ay ang magkaroon ng isang tahanan na malapit sa may dalampasigan kung saan ay natatanaw ang asul na dagat ang pagsikat at paglubog ng magandang sikat ng araw. At sa naging ilang dekada niya bilang aktor sa industriya ng showbiz ay natupad na niya ito.



Ang kanyang naipundar na beach house na matatagpuan sa probinsya ng Batangas, ay isa sa mga itinuturing na yaman ni Gabby.
Image Credit via Google
Sa unang pagkakataon nga, ay ibinahagi ng aktor sa publiko ang ganda at aliwalas ng kanyang beach house.
Image Credit via Google
Ayon sa aktor, ang kanyang beach house ay matatagpuan sa Lobo, Batangas, na kung saan ay hindi ito kalayuan sa Metro Manila kaya madali para sa kanya ang puntahan ito, anumang oras niya gusto.
Image Credit via Google
Makikita naman sa larawan ng beach house ni Gabby, na halos ang kabuuan nito ay gawa sa kahoy at kawayan, kaya naman talagang napakarelaksing nitong tirhan.
Image Credit via Google
Sa bungad pa lamang ng beach house ay nakaka-goodvibes na ang mga obra na naka-display rito at mga bote na ginawang dekorasyon. Makikita rin ang dining area, sa loob ng beach house na talaga namang napakaganda, kung saan ayon sa aktor ay isa ito sa pinaka paborito niyang parte ng kanyang beach house.
Image Credit via Google
Ang dining area rin umano ng beach house ang lugar, kung saan maaring tumambay ang kanyang mga kaibigan na binisita rito.
Image Credit via Google
Nakamamangha naman ang tanawin na masisilayan mula sa balcony ng beach house ng aktor. Maging ang bedroom ng aktor sa kanyang beach house ay ipinasilip rin nito.
Kwento pa nga ni Gabby, sa tuwing nais niya mag-relaks at malayo sa ingay at polusyon sa Metro Manila ay madalas ang nagiging pagpunta niya sa kanyang beach house.
Image Credit via Google
Isa naman umano sa mga paboritong gawin ng aktor, kapag siya ay nasa kanyang beach house ay ang pangingisda na kung saan ang matalik niyang kaibigan na si Michael Flores ang madalas niyang nakakasama.
Image Credit via Google
Image Credit via Google



Mayroon ding makikita na tila isang pantalan sa beach house na ito ni Gabby, kung saan ay doon niya itinatambay ang kanyang fishing boat.
Para naman kay Gabby, ang beach house niyang ito ang lugar kung saan siya nakakaramdam ng katahimikan at kapayapaan, kaya naman talagang para sa kanya ito ay ang kanyang paraiso o “favorite peaceful place.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *