Silipin Ang Nakakabighaning Beach Photo Ng Aktres Na Si Marian Rivera

Ang celebrity mom at tinaguriang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ay isa sa mga aktres sa showbiz na talaga namang hinahangaan ng marami. Ito nga ay dahil sa kanyang mala-anghel na mukha na tunay na napakaganda, idagdag pa ang pagkakaroon niya ng napakagandang hubog ng katawan.




Hindi naman lingid sa kaalaman nating lahat na si Marian ay ang maybahay ng aktor na si Dingdong Dantes, at silang mag-asawa nga ay mayroon ng dalawang anak, si Zia at Ziggy. Sa kabila naman ng pagiging isa ng asawa at in ani Marian, ay hindi naman maitatanggi na wala pa ring kupas ang kanyang taglay na kagandahan at kaseksihan.

Photo Credit: marianrivera/Instagram

Kamakailan nga lamang ay muling pinatunayan ni Marian na sa kabila ng pagiging isa na niyang ‘mommy’ ay talaga namang kabigha-bighani pa rin siya at pinagkakaguluhan pa rin ng marami ang kanyang taglay na kagandahan at kaseksihan.

Photo Credit: marianrivera/Instagram

Ito nga ay matapos niyang ibahagi sa kanyang social media account ang mga larawan niya na kuha sa isang beach habang nasa bakasyon siya kasama ang kanyang pamilya.

Photo Credit: marianrivera/Instagram

Makikita sa Instagram account ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang naging pagbabahagi niya ng kanyang larawan kung saan siya nga ay nakasuot ng one-piece Dior swimsuit na may disenyong V-neck at crisscross back straps.

Photo Credit: marianrivera/Instagram

Sa larawan nga niyang ito ay talaga namang muli niyang pinahanga ang marami, kung saan maging ang ilan sa kanyang mga kaibigan sa showbiz ay hindi napigilan ang mabighani sa taglay niyang ganda. Kabilang nga sa mga showbiz personality na nagbigay komento ng katagang “Perfection” sa larawan na ito ni Marian, ay sina Marian Rodriguez at Xiara Sotto.

Sa larawan nga na ito ni Marian, ay makikita na napaka-fresh ng kanyang awra, at siyempre masisilayan rin ang napakakinis at napakaputing balat ng aktres na talaga namang kahanga-hanga para sa marami. Kalakip naman ng nasabing larawan, ay ang inilagay ni Marian na caption na;

“Recharged thanks to mother nature. Happy Friday!” ani Marian.
Dagdag pa niya, “P.S – I’m back!” Samantala, kung nabighani tayo sa taglay na ganda at kaseksihan ni Marian sa kanyang larawan, ay marahil marami sa atin ang malulula sa presyo ng kanyang OOTD swimsuit dahil hindi nga naman biro ang halaga nito.

Base sa naging ulat, sa ngayon ay out of stock na ang suot na swimsuit na ito ni Marian, na available nga sa blue at gray na kulay. Napag-alaman pa, sa website ng nasabing brand na ang OOTD swimsuit na ito ng aktres ay nagkakahalaga ng $660 o kung sa pera ng Pilipinas ay aabot ng Php31,534.80.

Binagayan naman ng aktres ang kanyang OOTD swimsuit ng isang high-domed Lame papier hat Gucci na ayon sa website ng brand nito, ang Italian luxury brand nito ay nakakahalaga ng Php24,367.

Kapansin-pansin rin naman ang suot na gold necklace ni Marian na mas lalo pa ngang nagpatingkad sa kanyang ganda, kung saan ito umano ay ang paborito niyang Vintage Alhambra pendant na mula sa French Luxury jewelry and watch brand na Van Cleef & Arpels. Nagkakahalaga naman ng $3,550 o Php169,619 ang nasabing alahas.

May isa pa ngang larawan na ibinahagi si Marian, kung saan ibang OOTD naman ang kanyang suot, at ito nga ay ang Carberry top at cedar shorts na nagkakahalaga naman ng Php6,595.00 at mula nga sa clothing brand na Yoya.




Inulan naman ng napakaraming mga komento ng paghanga at papuri ang larawan na ito ng celebrity mom, matapos ngang masilayan ng publiko kung gaano pa rin talagang nakabibighani ang kanyang ganda at kaseksihan.

Nagbigay pa nga ng komento ang Unkabogable star na si Vice Ganda, na nagsabing “Vyurifulzzzzzz!” Ang isa namang tagahanga ni Marian, ay pinuri ang napakakinis at napakaputing balat ng aktres. “Your armpit is brighter than my future”, komento ng isang fans.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *