Silipin Ang Nakakabilib Na Bagong Set Up At Porma Na Sasakyan Ng Aktor Na Si Jak Roberto

Lahat tayo ay may kanya-kanyang ‘goals’ sa buhay, mapa matanda o bata man. Iba’t iba ang mga bagay na ating minimithing makamit, may iba na ang nais ay magandang career o trabaho, ang iba naman ay bahay at lupa.




Kung sa iba naman ay simpleng love life lamang ang kanilang nais makamtan, o di kaya naman ay ang magkaroon ng magandang sapatos, o kung ano mang mga bagay nga ang sa buhay ay di pa nakakamit.

Photo Credit: jakroberto/Instagram

Ngunit kahit ano pa man ngang mga bagay ang nais nating makamit sa ating buhay, ay isa lang ang pinakamahalaga, ang gawin at pagtrabahuhan natin ito, upang makamtan natin ito.

Photo Credit: jakroberto/Instagram

Katulad na lamang ng binata at gwapong aktor na si Jak Roberto, na talaga namang pinagsikapan at pinagtatrabahuhan ng husto kung ano man ang mga bagay na mayroon siya ngayon. Masasabi nga natin na tila na sa kanya na ang lahat ngayon, lalo pa nga’t pausbong ng pausbong ang kanyang karera sa showbiz.

Photo Credit: jakroberto/Instagram

Dahil nga sa kanyang naging kasipagan sa trabaho, ay kaliwa’t kanan na ang mga proyekto niya ngayon. Isa na rin siya sa mga maituturing na pinaka sikat at popular na aktor ng kanyang henerasyon.

Photo Credit: jakroberto/Instagram

At sa kanyang nang kasipagan, ay batid ni Jak na deserve ng kanyang sarili ang magkaroon ng reward, kung saan ay ibinahagi niya sa lahat kung ano ang bagay na ito.
Sa IG account ng aktor, ay ipinakita niya ang kanyang sasakyang pick-up truck na ipina-customized niya sa Autobot Autoworks-Offroad.

Photo Credit: jakroberto/Instagram

Ayon nga sa aktor, ay matagal na niya talagang pangarap ang ganitong uri ng sasakyan. Ngayon ay mas pinaganda pa nga niya ito, dahil nagawa na niya ang matagal na niyang inaasam na mapa-customized ito.

Photo Credit: jakroberto/Instagram

“After so many years of dreaming [praying hand] #AutobotSTRONG #FueledbyGod #BFGoodrichTires #Torqit #HKS #HAMER #VLAND #RidermaxPH #FuelOfffroad”, ang naging caption ng aktor.

Photo Credit: jakroberto/Instagram




Tunay ngang nakakabilib si Jak Roberto, dahil sa kanyang edad ay marami ng mga bagay sa kanyang mga pangarap ang kanyang natupad na.

Maliban nga sa magarang sasakyan, asensadong career, masayang pamilya, ay makulay rin ang buhay pag-ibig ngayon ng aktor. Marami ngang mga kabataan at binata ang talagang humahanga at umiidolo kay Jak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *