Silipin Ang Nakakamanghang Walk-In-Closet Ni It’s Showtime Host Vhong Navarro

Si Vhong Navarro, ay kilala bilang isa sa mga host ng noontime show ng Kapamilya network na “It’s Showtime”. Maliban pa rito ay kilala at hinahangaan rin si Vhong bilang isa sa magaling na mananayaw, aktor at komedyante sa industriya ng showbiz dito sa Pilipinas.



Dahil sa kanyang hilig sa mga sapatos, ay isa ring endorser si Vhong Navarro ng mga magaganda at mamahaling mga sapatos. Mapapansin nga na kapag nasa “It’s Showtime” ang actor-host, ay iba’t ibang mga magagandang sapatos ang sinusuot nito araw-araw.
Image Credit via YouTube
Sa isang latest vlog ni Vhong, kung saan ay nagbigay siya ng pasilip sa kanyang tahanan, ay mas napansin at hinahangaan ng mga netizens ang kanyang napakalaki na walk-in-closet, kung saan ay mayroon itong dalawang palapag at talagang agaw-pansin ang kanyang napakaraming mga sapatos na naka-display rito.
Image Credit via YouTube
Makikita nga sa walk-in-closet ni Vhong ang iba’t ibang pares ng mga magaganda at mamahaling sapatos, na ayon sa actor-host ang ilan sa mga ito ay mga limited edition pa.
Image Credit via YouTube
Ilan nga sa mga makikitang mga koleksyon ng sapatos ni Vhong ay ang kanyang mga sapatos na may characters sa SpongeBob’s Squarepants, tulad ng kanyang dilaw na sapatos na si SpongeBob, pink na sapatos na si Patrick star, at ang kulay pula niyang sapatos na si Mr. Krabs.
Image Credit via YouTube
Maliban nga sa mga ito, ay mayroon ring mga sapatos si Vhong na may kakaibang disenyo, na mula naman sa mga brand na kanyang ine-endorso, katulad nf Toy Story, Disney at Nintendo.
Image Credit via YouTube
Dahil sa dami nga ng sapatos ni Vhong, ay talaga namang kulang ang espasyo ng mga ito sa unang palapag ng kanyang walk-in closet, kaya naman mayroon itong ikalawang palapag.
Image Credit via YouTube
Pag-akyat nga ng ikalawang palapag, kung nasaan naroon ang iba pang mga sapatos ni Vhong, ay unang bubungad ang isang napakalaking salamin, na kung saan ay ito na rin ang nagsisilbing pintuan ng nasabing silid.
Image Credit via YouTube
Pagpasok nga ng silid na ito, ay talaga namang mapapa-wow ka, dahil sa dami pa muli ng mga makikitang pares ng mga magagara at mamahaling sapatos dito, na kung iyong titignan ay tila nasa loob ka ng isang shoe shop o department store shoe section, dahil sa nakaayos ang pagkaka-display ng mga ito .
Image Credit via YouTube
Maging ang hagdan ay mayroon na ring storage para sa kanyang mga sapatos. Ayon nga kay Vhong ang disenyong ito, ay talagang ipinasadya niya sa Arkitekto niya, upang magamit ng maayos ang ilan pang mga espasyo sa kanyang tahanan.
Image Credit via YouTube
Makikita rin na ilan sa mga sapatos ni Vhong, ay kanyang ipinasadya mismo, katulad na lamang nga ng sapatos na kanyang ginamit sa pelikula niyang Gagamboy, Mr. Suave, at Agent X44.
Image Credit via YouTube
Tunay nga na mamahalin ang mga sapatos na ito ng It’s Showtime host, dahil ilan sa mga brand ng sapatos nito ay Christian Dior, Alexander Wang at Louis Vuitton.
Maliban nga sa mga mamahalin at napakarami niyang mga sapatos, ay makikita at kabibiliban rin sa walk-in-closet ni Vhong Navarro, ang kanyang napakaraming mga damit, na kung saan ito ay iba’t ibang mga klase na ginagamit niya sa samu’t saring mga okasyon.



Ayon nga kay Vhong, ang pagsusuot ng damit ay depende sa o mood ng isang tao, kaya naman maaring malaman ng mga tao ang kanyang mood base sa damit na kanyang isusuot.
Video Credit: vhong navarro/YouTube
https://www.youtube.com/watch?time_continue=300&v=6KPNLbJ_S7o
Ano ang masasabi niyo sa artikulo na ito? Isa rin ba kayo sa napa-Sana all sa dami ng mga magagandang sapatos ni Vhong Navarro?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *