Silipin Ang Nakakarelaks Na Bakasyon Ni Richard Guttierez At Sarah Labati Kasama Ang Kanilang Mga Anak Sa Palawan

Isa sa mga hinahangaan at minamahal ng kanilang mga tagahanga ay ang magkasintahan Richard Gutierrez at Sarah Lahbati. Ang 26-years-old aktres na si Sarah Lahbati ay isang Pilipino-Moroccan, ang kanyang karera sa showbiz ay nagsimula ng siya maging isa sa mga kalahok ng reality show na “Startuck 5th Edition” sa GMA Network na kung saan siya ang naging StarStrucks V’s Ultimate Female Survivor.

Photo Credit: sarahlahbati/Instagram




Mas lalo siyang nakilala ng siya ay maging kasintahan ng aktor na si Richard Gutierrez at magkaroon sila ng dalawang cute na mga anak na sina Zion at Kai.

Photo Credit: sarahlahbati/Instagram

Si Richard Gutierrez naman ay kilala na noon pa man bilang isa sa mga child star, dahil sa mga ginampanan nila ng pelikula ng kanyang kakambal na si Raymond Gutierrez. Kilala din aktor dahil sa pamilyang pinagmulan niya na ang kanyang mga magulang at kapatid ay parehong mga celebrity rin.

Photo Credit: sarahlahbati/Instagram

Busy man sa trabaho dahil sa kanyang katatapos lamang na proyekto ay nagawa naman ng aktor na bumawi at magkaroon ng oras kay Sarah at sa kanyang mga anak.

Photo Credit: sarahlahbati/Instagram

Matapos ang naging matagumpay na showing ng “Unbreakable” na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez, Bea Alonzo at Angelica Panganiban ay nagkaroon naman ng oras ang nasabing aktor na kasama ang kanyang pamilya sa isang bakasyon.

Photo Credit: sarahlahbati/Instagram

Ipinasyal ng aktor na si Richard Gutierrez ang kanyang nalalapit ng mapapangasawa na si Sarah Lahbati at ang kanyang dalawang mga gwapong anak sa El Nido Palawan.
Sa kanyang Instagram ay ibinahagi ng aktor ang mga larawan sa naging bakasyon nila ng kanyang pamilya.

Photo Credit: sarahlahbati/Instagram

Makikita sa mga larawang ibinahagi ng aktor ang larawan ng isang perpekto at masayang pamilya na nag-eenjoy sa kanilang baksyon sa lugar na kung saan ay maituturing na paraiso.

Ang isang family picture na ibinahagi ni Richard ay may caption na;
Time in Paradise with the tribe…

#Elnido #Palawan #sedalio #bestfeelingintheworld #sedahotels
May sexy photos din si Sarah Lahbati na kuha sa isang yate, habang sila ay nag-iikot sa isla.
Sa isang post naman ni Sarah ay makikita ang larawan ng buong mag-anak na may caption na;

So happy to be here with the fam & to be able to spend some much needed quality time.
@sedahotels #sedalio #sedahotels #bestfeelingintheworld #elnido #palawan
Marami nga naman sa tagahanga ng magkasintahan ang masaya para sa naging bakasyon nila kasama ang kanilang mga anak.




Dahil hindi nga naman matutumbasan ng kahit na ano ang saya na nararamdaman mo kapag ang kasama mo sa isang bakasyon ay ang iyong buong pamilya. Sina Richard at Sarah ay nakatakdang ikasal sa darating na taong 2020, buwan ng Marso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *